^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang katapusang pagpapasan ng krus

-

NARARAMDAMAN na ang epekto ng global financial crisis. Mas marami ngayon ang walang trabaho at umano’y maaari pang lumobo dahil sa pagsa­sara ng mga kompanya. Maraming kompanya ang nagbabawas ng kanilang empleado. Mas piniling magbawas kaysa naman tuluyang magsara. Sa United States, ay mas marami ang apektado ng crisis at ayon sa report, dinadagsa ang mga pawnshops at iba pang bahay sanglaan. Mas maraming kapos sa pera roon dahil sa pagbagsak ng kanilang ekono­miya. Maski ang mga newspaper publications ay apektado at marami rin ang magsasara.

Dito sa Pilipinas, ang kadahupan ng buhay ng naka­ra­raming mamamayan ay karaniwan na lamang. Matagal na nilang nararanasan ang kahirapan. Matagal nang may sugat ang kanilang balikat dahil sa walang katapusang pagpapasan ng krus.

Lulubha pa at lalong bibigat ang dalang krus sapagkat marami pang kompanya at pabrika ang nagbabawas ng manggagawa. Isang malaking company na gumagawa ng computer parts ang magsa­sara sa susunod na mga buwan. Nang interbyuhin ang ilan sa mga empleado ng kompanya, hindi raw nila kung saan tutungo kapag tuluyan nang nagsara ang kanilang pinapasukan. Iniisip nila ang magiging kalagayan ng kanilang nagsisipag-aral. Karamihan sa mga empleado ay mahigit nang 20 taon sa kom­panya. Noong December, nagsara na rin ang FedEx sa Subic. Umano’y malaki na ang pagkalugi kaya walang nagawa kundi isara ang kompanya rito sa Pilipinas. Sa talaan ng Department of Labor and Employment (DOLE), tinatayang 46,000 ang nawalan ng trabaho mula noong Pebrero.

Pero kung paniniwalaan naman ang pamahalaan, sinasabi nilang mas maraming Pinoy daw ang na-hired kaysa na-fired sa kabila na nararanasan ng mundo ang financial crisis. Sabi ni Secretary Domingo Panganiban ng National Anti-Poverty Commission, mahigit daw 75,000 manggagawa ang na-hired sa ilalim ng Comprehensive Livelihood and Emergency Employment Program (CLEEP). Mula raw Pebrero 25 hanggang Marso 23 ng kasalukuyang taon, nasa 11,000 aplikante ang na-hired.

Sana nga ay totoo ang sinabi ni Panganiban na mas marami ang na-hired kaysa nawalan ng trabaho. Dapat lamang na tuparin ng pamahalaan ang sinabi noon pa na lilikha nang milyong trabaho. Kung matu­tupad ang sinabing maraming trabaho, hindi na magsu­sugat ang balikat ng mga Pinoy sa bigat ng kanilang pasanin. Kung merong trabaho, magka­karoon na rin ng pagkain sa hapag.

vuukle comment

COMPREHENSIVE LIVELIHOOD AND EMERGENCY EMPLOYMENT PROGRAM

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

MATAGAL

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION

NOONG DECEMBER

PEBRERO

PILIPINAS

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with