Ang pasugal ni Atong
HINDI biro ang pasugal ni Atong sa Camaraines Norte grabe as in grabe kaya naman naggagalaiti sa galit ang madlang people dito dahil sa jueteng operation.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Atong ay naka-parole lamang sa kanyang case problem kaya ipinagbabawal dito ang gumawa ng mga illegal business tulad ng sugal.
Bakit malakas ang loob ni Atong?
Dahil may basbas ba ito ng malakanin este mali Malacañang pala at iba niyang ‘godfather’?
Tinira ng mga tauhan ni PNP CIDG bossing Raul Castaneda, ang pasugalan ni Atong sa Camarines Norte ang daming mga kubradores at kabong nahuli pero ito daw ay mabilis na pinalabas sa kulungan matapos magkalagayan?
Naku ha! Totoo kaya ito?
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P4 million ang engreso sa Camarines Sur everyday and holidays kaya naman tuwang-tuwa sa galak ang isang Hermie Herrera, tagabigay ng intelihensiya sa mga bugok na taga-gobierno dyan sa nasabing lugar.
Sinasabing si Bong puerta, ang kapitalista ng jueteng operation sa Camarines Sur at walang hindi nakakakilala todits kapag illegal gambling ang usapan blues.
Sa Sipocot P450,000 ang engreso, San Fernando P350,000, Naga P450,000, Milaor P350,000, Magarao P400,000, Pamplona P400,000, Pili P400,000, Bato P400,000, Lagonoy P400,000, at Gatchitorena P400,000,
Sa Camarines Norte, si Atong ang kapitalista todits, P2 million a day ang kubransa. Sa Labo P450,000, Talisay P250,000, San Vicente P250,000, Vinzon P250,000, Sta. Elena P400,000, Imelda P200,000 at Mecedey P200,000.
Sa probinsiya ng Sorsogon, isang Leony Lim ang sinasabing kapitalista dito may P2 milllion a day ang kubransa tulad sa mga probinsiya ng Sta. Magdalena P 350,000, Bulan P450,000, Irosin P350,000, Matnog P250,000, Bulusan P300,000 at Barcelona P300,000.
Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit CIDG pa ang tumira sa operasyon ni Atong sa Camarines Norte.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kasi puedeng salingin ng mga bugok na public officials si Atong kasi may lagay sa kanilang malaking halaga ng pitsa.
Kambiyo issue, pumalag si Father Villena ng Cagayan Valley dahil matindi ang operasyon ng sugalan todits ngayon sa nasabing probinsiya.
Malaki naman ang problema ng ilang katulisan este mali kapulisan pala kasi ng mag-operate sila sa isang lugar sa Cagayan at hinuli ang mga kubradores todits napasama pa ang mga police dahil sila ang binalikan ng bangka ng may pasugal at kinasuhan ang mga pobreng alindahaw.
Abangan.
Saludo ang mga kuwago sa QCPD
UMAKSYON ang kapulisan sa utos ni QCPD director Magtanggol Gatdula na salakayin ang SLY bar dyan sa Mother Ignacia St., Quezon City the other night dahil niratrat ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nasabing establishment porke kasa ito.
Congrats, General Gatdula, talagang Action Man ka!
Hindi kasi kunsintidor si Gatdula kung may mga illegal na nangyayari sa kanyang jurisdiction inaaksyunan niya ang bawat balitang nakakarating todits.
Mahirap kasi kung hindi aaksyon ang kapulisan sa Kyusi at baka si Quezon City Mayor Sonny Belmonte pa ang gumalaw.
Sabi nga, nakakahiya. Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, grabe as grabe kasi ang lagaputan dito. P1,500 ang para sa bebot at P750.00 ang ladies drink upakan na sa 2nd floor.
Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, at sa wakas tumigil na rin sa operasyon ang SLY dahil ayon sa impormasyon natanggap mula sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naglayasan na daw ang ibang tsik todits at alaws na daw gimik pa.
Sabi nga, dapat lang!
Abangan.
- Latest
- Trending