^

PSN Opinyon

Rehas na billboards

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

SA kabila ng walang patid na debate tungkol sa patuloy na pananatili ng higanteng billboards sa ating mga lansangan, hindi pa rin ito mabawas-bawasan. Mas duma­mi pa nga ang nai-plaster sa EDSA, sa mga expressway at maging sa mga major roads and thoroughfares sa probinsiya.

Gunitain ang mga argumento kontra billboards na lumutang sa kasagsagan ng bagyong Milenyo, 2006: (1) peligro sa buhay at kalusugan; (2) nakakasira sa tanawin; (3) nakaka-distract sa motorista na nagiging sanhi ng sakuna; (4) karamiha’y hindi kumukuha ng kaukulang permiso sa LGUs.

Humakbang na ang ating mambabatas sa pama­magitan ng pag-file ng mga billboard regulation bills. Pinakatanyag na dito ang Anti-Billboard Blight Act ni Sen. Miriam. Sayang at sa kupad ng takbo ng lehislasyon ay hanggang ngayo’y wala pa ring balita rito. Maski ang mga lokal na pamahalaan ay agarang kumilos: Sa Maynila, agad naipasa ang isang resolusyon noong 2006 na pansamantalang pinapatigil ang pagtayo ng mga bagong billboard sa lungsod hanggat hindi naipapasa ang panukalang Manila billboard ordinance.

Ang Malacañang ay kumilos din, sa pamamagitan ng Administrative Order No. 160-A na nagbabawal sa mga billboard na lumalabag sa batas. Marami-rami ring ibinabang billboard sa last quarter ng 2006. Subalit nang naglaho na ang init ng isyu ay biglang nagsulputan muli ang mga kabute at ngayon na nga’y mas dumami pa.

Ang Palasyo — imbes na humakbang na bawasan ang mga ito ay nagpasa pa ng Executive Order 774 na pinagbabawal ang pag-gamit ng mga ilaw sa billboard mula 9 p.m. hanggang 5 a.m. Ito’y bahagi ng ENERCON program at remedyo din ng pamahalaan sa masa­mang kontribusyon ng mga SPOT­LIGHT sa global warming. Ang implikas­yon ay puwe­de kayong maglipana diyan ng wa-lang limitasyon basta isara lang ang ilaw sa gabi.

Kung uunahin ng Mala­ca­ ñang ang interes ng mga outdoor advertisers sa ka­paka­nan ng mismong ma­mama­yan, wala tayong ibang tak­buhan kung hindi ang Kon­gre­so at mga Kon­seho ng mga LGU upang agad isaba­tas ang dapat ay mali­naw na policy ng bansa laban sa wa­lang pa­kunda­ngang pagdami ng billboards. Ito ay ating wake-up call para sa mga Se­na­dor        at Kongre­sista at Kon­se­hal. Hello! Pakipasa na please ang inyong mga Billboard Bills.

ADMINISTRATIVE ORDER NO

ANG MALACA

ANG PALASYO

ANTI-BILLBOARD BLIGHT ACT

BILLBOARD

BILLBOARD BILLS

EXECUTIVE ORDER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with