^

PSN Opinyon

President Gloria is foregone

- Al G. Pedroche -

MAY kumakalat na “balita” sa text na magre-resign daw si Chief Justice Reynato Puno para sa kanyang kandi­datura sa pagka-pangulo sa 2010, at ang mga matitira sa Korte Suprema ay pulos pro-Presidente Arroyo. Despuwes, malaya nang maisusulong ang charter change (cha-cha) na magbubukas ng pintuan sa Pangulo para palawigin ang termino.

Sabi naman ng Malacañang — Tama na ang espe­kulas­yon sa “term extension.” Iyan ang panawagan ni Press Secretary Cerge Remonde. Tiniyak daw ng mga leader ng Kongreso na matutuloy ang general elections sa May 2010.

So lay low muna sa mga espekulasyon sa term      extension. But people mustn’t lose guard against possible political maneuvering that may reverse the situation. Sabi nga sa Mateo 10:16 ng Bibliya: Be gentle as a dove but wise as a serpent. Vigilance must always be observed. Let us not treat the issue like an existing turn-key plan ready to be switched on, lest we turn people into “ferocious animals” instead of “gentle doves.”

Legally, political lame duck na si President Arroyo. She is good until the end of her term. But any attempt to pursue a dreaded agenda like cha-cha will be self-destructive. Mag-aalsa ang taumbayan. In the meanwhile, let’s take it from the Press Sec. Remonde. Kung tuloy ang eleksyon, hindi lamang mga politiko ang dapat maghanda kundi ang mamamayan. Ang matinding kalaban natin sa 2010 ay hindi si Gloria kundi ang malaking pagkakamali sa pagpili ng bagong leader.

Manalangin tayo nang taimtim at walang puknat. Hilingin natin ang patnubay at gabay ng Diyos para sa pagkakaroon ng isang matuwid na pamahalaan. Isa lang ang criteria ko sa pagpili ng bagong mga opisyal ng pamahalaan bukod sa kakayahang ma­muno. Ito ay ang pagiging tunay na maka-diyos at hindi lamang nagbabalat­­kayong maka-diyos. Si CJ Puno ay isa sa aking mga preference kung talagang tatakbo along with Bro. Eddie Villanueva, Gov. Ed Panlilio, Gov. Grace Pa­daca at iba pang may pu­song maka-diyos. Pero tingin ko’y di dapat mag-bitiw ng maaga si CJ Puno dahil mapagkakamalan siyang sumusuporta sa tusong plano sa cha-cha.

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

ED PANLILIO

EDDIE VILLANUEVA

GRACE PA

KORTE SUPREMA

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENTE ARROYO

PRESS SEC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with