^

PSN Opinyon

VIP treatment sa may kasong syndicated estafa?

- Al G. Pedroche -

BIHIRA akong tumalakay sa ganitong uri ng kaso pero hindi ko mapigilang magmalasakit sa mga biktima ng taong ito na may kasong “syndicated estafa” na isang non-bailable offense.

Ang akusadong si Eugene Co (a.k.a. Eugene Ybañez) na inaresto noon pang Nov. 17, 2008 ay nakapiit sa Eastern Police District, Pasig Police Jail. Okay sana kung nakakulong sa karaniwang selda pero ang sumbong sa atin ay hindi. Ayon sa nagpahatid ng reklamo, si Co ay may sariling air-conditioned room, cellphone at computer na may internet access. In the interest of fair play, concerned authorities are welcome to air their side of the issue and I will gladly give them equal space.

Big time ang kaso nito na kinapapalooban ng P200 milyong halagang na-swindle umano sa kanyang mga biktima kasama na ang bantog na basketbolista ng Bara­ngay Ginebra na si Paul Anthony Atardi at marami pang iba.

Nakiusap sa akin ang nagbigay ng impormasyong ito na talakayin ko ito sa kolum dahil may pangambang baka “lutuin” ang kaso para ang nasasakdal ay makalusot at mapalaya. Hustisya ang pinag-uusapan dito sa kapa­kanan ng maraming complainant laban sa taong ito.

Hindi nawawala ang tiwala ko sa ating justice system pero totoong dapat maging mapagmatyag ang mama­mayan, lalu na ang mass media upang mapigilan ang pagligwak sa kasong ito. I give the benefit of the doubt to the authorities ngunit mabuti nang malaman ng lahat na maraming nagmamatyag para hindi ma-whitewash ang kasong ito gaya ng pinangangambahan ng ilan.

Si Co ay may-ari umano ng isang pawnshop na ang mga isinasangla roon ay mga cellphone at electronic gadgets. Nag-alok umano siya ng investment instru­ments sa mga complainants. Ito ay apat na por­syentong interes sa mi­nimum deposit na P50,000 sa kanyang bahay-sang­laan. Katunayan, inila­gay sa immigration watch­list si Co sa utos ng Department of Justice.

Nanini­wa­la akong ito’y act of goodwill ng gob­yerno para tiyaking hindi mali­ligwak ang kaso. Pero ma­buti na   ang ma­pag­mat­­yag ta­yong lahat.

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

EASTERN POLICE DISTRICT

EUGENE CO

EUGENE YBA

PASIG POLICE JAIL

PAUL ANTHONY ATARDI

SHY

SI CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with