Pilipinas magiging Pinakamayaman at pinakapinagpalang bansa
MAGIGING isa sa pinakamayamang bansa ang Pilipinas. Matutuldukan ang korapsyon at mapupuksa ang kahirapan ng maraming Pilipino. Ito ang hula ng bantog na Christian prophetess na si Cindy Jacobs kamakailan. Kung kailan mangyayari ay hindi tinukoy ni Jacobs pero ito’y walang pasubaling magaganap. Ngunit ang panawagan ni Jacobs para matupad ito ay “Pray, pray, pray.” Walang puknat na taimtim na panalangin ng bawat Pilipino.
Totoong pinagpala sa likas na kayamanan ang ating bansa. Nasa atin ang halos walang limitasyong supply ng ginto at iba pang precious metals. Sa haba ng ating mga dalampasigan, naririto ang lahat ng yamang-dagat. Sagana rin tayo sa mga produktong agricultural. Walang pagkagutom sa Pilipinas kung tutuusin. Pero napagkakaitan lang ng yamang ito ang mga mahihirap dahil sa pagkagahaman ng iilang nakaluklok sa trono ng kapangyarihan na tanging may kontrol sa likas-yaman ng bansa. Iyan ang dapat baguhin. Kaya tama na manalangin tayo nang walang puknat gaya ng sinasabi ng Bibliya na “pray without ceasing.” But pray for what?
Unang una ay manalangin tayo ng pagsisisi at pag-babalik loob sa Diyos (2 Chro. 7:14) para tamasahin natin ang pagpapagaling at pagpapala ng Diyos.
Pangalawa – ipanalangin natin ang pagkakaroon ng isang matuwid at maka-Diyos na pamahalaan na pinamumunuan ng mga taong anointed o tunay na itinalaga ng Panginoong Diyos. Kailan gagawin ito? Ngayon na. Nalalapit na ang 2010 general elections at hindi na tayo dapat magkamali.
Consider many men of God na may potensyal magpatakbo ng bansa. Yung iba’y gustong maglingkod, yung iba’y atubili at yung iba’y umaayaw. Naririyan sina SC Chief Justice Reynato Puno, Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas, Pampanga Gov. Ed Panlilio, Isabela Gov. Grace Padaca, at Sen. Alan Peter Cayetano. Siguro’y may naiisip pa kayong ibang matatawag na non-traditional politicians pero maka-Diyos na maaaring kumandidato sa pagka-presidente ng bansa.
Manalangin tayo na katukin ng Diyos ang kanilang puso at magkaroon ng tapat at marubdob na hangaring maglingkod upang akayin ang bansa sa matuwid na landas na pagpapalain ng Diyos.
- Latest
- Trending