^

PSN Opinyon

Ang tulay.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HABANG mainit ang isyu sa pagblack-list ng World Bank sa ilang construction companies dito sa Pilipinas dahil sa pagkukutsabahan ng mga ito sa bidding ng road project sa ating bansa…

Mainit din ang pag-iimbestiga ng BITAG sa isang tulay na inireklamo sa aming tanggapan na itinatayo sa isang pribadong subdivision sa San Fernando, Pampanga.

Sumbong ng home owners association ng Ramar Village, isang pribadong kompanya ng construction ang ile-gal na gumagawa ng tulay sa loob ng kanilang subdibisyon.

Ilegal dahil wala man lamang itong anumang permit na nakapaskil sa kanilang working site.

At ang siste, gumamit pa ang nabanggit na construction company nang malalaking equipment na pag-aari ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Ang tanong, bakit ginagamit ng isang pribadong kompan­ya ang kagamitang pag-aari ng gobyerno? Mali yata ito!

Kilos prontong tinungo ng BITAG ang San Fernando Pampanga upang kumpirmahin ang reklamo. Una naming tinungo ang tanggapan ng DPWH Region III.

Dito, napag-alaman ng BITAG na hiniram ang mga equipment ng DPWH ng araw ng Linggo kung saan wa-lang pasok ang anumang tanggapan ng gobyerno.

Under investigation pa raw ang kasong ito ayon kay DPWH Region III Assistant Regional Director Marcelina Ocampo. Hinggil naman daw sa permit ng pagtatayo ng tulay, local na gobyerno raw ang may hawak dito.

Kinontra naman ito ng City Engineer ng San Fernando Pampanga na si Engr. Fiorello Gopez. Hindi raw nila sakop ang pagtatayo ng tulay sa Ramar Village dahil may creek at ilog daw na sasakupin ang tulay.

Subalit nang makapanayam ng BITAG Live sa telepono si DPWH Usec. Ramon Aquino, national road lamang ang hawak ng DPWH. Anumang istruktura tulad ng tulay, gusali o mapa-bakod man na itinatayo sa mga pribadong lugar tulad ng subdivision, ang engineering’s office ng lokal na gob­yerno ang nagbibigay ng permit sa pagtatayo nito.

Dito, binalikan ng BITAG ang city engineering office ng San Fernando Pampanga sa natuklasan naming katoto­hanan mula kay Usec. Aquino. Dito kasama ng nanginginig pang si Engr. Gopez, humarap na rin ang kanilang punong bayan na si Oscar Rodriguez. Sinunod lamang daw nila ang water code na nasasaad sa kanilang city ordinance na tanging DPWH lamang ang makikialam sa mga istrukturang sasakop sa anumang bahaging tubig. Lumalabas, malinaw na walang permit mula sa DPWH Region III at maging sa local na pama­halaan ng San Fernando ang ginagawang tulay sa Ramar Village. Nangako naman ang tanggapan ni Mayor Rod­riguez na paplantsahin nila ang gusot na ito sa pakikipag-ugnayan sa DPWH na rebisahin ang batas na susundin ng lokal ng San Fernando sa mga ganitong kaso.

Panoorin ang kabuuan bukas ng alas-9 ng gabi sa IBC 13 sa BITAG!

ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR MARCELINA OCAMPO

CITY ENGINEER

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DITO

DPWH

FIORELLO GOPEZ

MAYOR ROD

RAMAR VILLAGE

SAN FERNANDO

SAN FERNANDO PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with