^

PSN Opinyon

Malambot sa legacy, malamyang prinsipyo

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NAKIKITA na rin natin ang kasukdulan ng pangu­ngurakot sa kasalukuyang administrasyon sa isa pang imbestigasyon. Lumalabas na kaya parang malambot o malamya ang reaksyon ng Kongreso sa isyu ng Legacy ay dahil maraming kongresista ang naglagay ng pera sa nagsarang grupo ng rural banks na ito! Kaya nakapagpatuloy ng pagne­negosyo si may-ari ng Legacy group na si Celso de los Angeles kahit may nakikita na ang Bangko Sentral na kwestiyonableng pamamalakad ng kanyang mga bangko at kumpanya, ay dahil pina­niniwalaang naglagay ng pera ang mga Kongre­sista sa kanya! P20 million ang nakadeposito mismo ng Speaker na si Prospero Nograles. Pina­sasara na nga ng BSP ang mga kompanya ni De los Angeles, pero nakakuha pa ng TRO mula sa isang huwes, kaya tuloy ang ligaya! Matagal na palang gustong ipasara ng Bangko Sentral ang Legacy— ilang taon nang nakakaraan. Pero dahil malakas at sumusuhol pihado ay naba­ligtad sa korte. Kung napasarhan ito dati pa ay nabawasan sana ang mga nasunog ni De los Angeles at naisalba ang pinaghirapang pera!. Ayaw na nga niyang pangalanan ang iba pang mga kongresista maliban kay House Speaker Propero Nograles Jr. Baka tinakot na rin! Pero ang katulad ni John Resado na lumantad ang kanyang umano’y lending o pagpapautang na negosyo ay kakasuhan na ng tax evasion at kung ano-ano pa! Namimili lang ang mga kongresista ng papatawan ng hustisya, hay naku itong gobyernong ito! Ano    ito?!! Nasa mga SAL kaya ng mga Kongresistang naglagay ng pera sa Legacy ang pinasok nilang pera?

Habang papalapit na ang 2010, na dapat kata­pusan na ng termino ni President Arroyo, lalo na­mang naglalabasan ang mga maruruming pag­ki-los ng gobyerno at ang kanilang mga alipores. Sinusulong talaga ng Kongreso ang Cha-cha para mapahaba pa ang kanilang mga maru­rumi at maliligayang araw. Kung para lamang sa da­hilang ito kailangan talagang tutulan ang Cha-cha, at siguraduhing hindi mananatili ang administrasyong Arroyo ng higit pa sa 2010. At kung maaari, dalhin sa hustisya ang lahat ng makitaang nakinabang dahil sa katiwalian, at maparusahan ng tunay lalo’t pagkatapos ng kanilang termino!

BANGKO SENTRAL

HOUSE SPEAKER PROPERO NOGRALES JR. BAKA

JOHN RESADO

KONGRESO

PERO

PRESIDENT ARROYO

PROSPERO NOGRALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with