^

PSN Opinyon

‘Wag tawaging  bakla si Baste

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MALAKING karuwagan na tawagin ni Davao City acting mayor Baste Duterte na “unggoy” si PNP chief General Nicolas Torre III, subalit biglang umurong nang tanggapin ng huli ang hamon nitong magbuntalan sila. Karuwagan iyan pero hindi siya dapat tawaging bakla.

Maraming members ng third sex ang matapang at hindi umaatras kapag hinamon ng away. Bakla man o lalaking-lalaki, mayroong matapang at mayroon ding duwag. Huwag namang ipakahulugan ang kabaklaan sa karuwagan dahil napakalaking panlalait at insulto niyan sa mga miyembro ng “federacion”.

Ngunit lalong malaking insulto ang ginawa ni Baste na tawaging “unggoy” si Torre. Matagal na raw niyang panga­rap na mambugbog ng unggoy. Sabihin mang “figure of speech” ito, kahit ang pananakit ng tunay na hayop ay labag sa batas at may parusang pagkabilanggo.

Natural na makadama ng pagkainsulto si Torre. Tawagin ka ba namang unggoy! Pero in fairness, hindi ako pabor na tinanggap ni Torre ang hamon kahit pa ito’y ginawang laban for charitable cause. Dapat, ‘di na lang pinansin.

Sorry, pero I share the feelings na nagmukhang “engot” ang isang pinagpipitaganang hepe ng pambansang pulisya nang sumampa sa ring sa harap ng daan-daang taong nag­bayad para sa labanang hindi nangyari dahil hindi sumipot ang naghamon!

Yun pala, namasyal sa Singapore si Baste kasama ang family.

Noong mayor pa ng Davao si dating President Rodrigo Duterte, hinamon din niya ang isang hard-hitting media man na si Waldy Carbonel ng barilan o draw. Sumipot si Ka Waldy sa takdang oras at lugar ngunit hindi nagpakita si Duterte.

Talagang “like father, like son!”

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with