^

PSN Opinyon

Ang Love Bus ni Imelda Marcos

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Noong 1974, dalawang taon matapos ideklara ni Presi­dent Ferdinand E. Marcos ang martial law, inilunsad naman ang kauna-unahang air conditioned luxury bus sa Metro Manila. Ito ay tinawag na Love Bus, isang luxury land trans­portation system ni First Lady Imelda R. Marcos.

Si Mrs. Marcos ang gobernadora ng Metro Manila noon at Minister for Human Settlements. Batid naman na palaging bongga at ambisyosa ang mga proyektong pinasisinayaan ni Imeldific. Isa pa, whatever Meldy wants, Meldy gets!

Naging popular ang Love Bus noon dahil komportableng sakyan dahil malamig at malambot ang upuan. Ang pa­ma­sahe ay flat rate na dalawang piso na napakamahal sa mga panahong yaon para sa mga ordinaryong mananakay. Ang minimum wage noon ay nasa otso pesos lang isang araw.

Kung babalikan, e di, kuwatro pesos na ang mababawas sa suweldo ng arawang manggagawa. Kaya hindi rin ito na­pa­kinabangan ng average earners.

Nang ako’y radio announcer pa sa Radio Veritas sa Quezon City, paminsan-minsan ay sumasakay ako sa Love Bus. Si Jose Drilon Jr. na isang mataas na agriculture official ni Marcos ay nakakasakay ko pa. Puro mga top executives ng mga pribado at pang-gobyernong tanggapan ang tuma­tangkilik sa Love Bus.

May inakdang awitin ang singer composer na si Mike Pedero na ang titulo ay Mahal kong Love Bus. Sa pag­ba­tikos ng tao sa napakamahal na pamasahe, ang lyrics ng awitin ay ginawang “Mahal ang Love Bus”. Nag-operate ang Love Bus hanggang sa unang apat na taon ni Presidente Cory Aquino pero nagsara rin dahil sa pagkalugi.

Sa kanyang State of the Nation Address, sinabi ni Pre­si­dente Bongbong na ibabalik sa lansangan ang mga Love Bus pero sa revival nito – libre pasahe na. Aba e, wel­come news iyan! Hope ko lang, ma-sustain ito dahil mangangahulugan iyan nang malaking halagang subsidy ng pamahalaan.

LOVE BUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with