^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Parusang mabigat vs mga corrupt

-

SA China ay marami ring corrupt at kriminal. Marami rin doon ang mahirap. Ang labis na na­kahahanga sa China ay ang mabilis nilang pagla­lapat ng parusa sa mga nagkakasala. Inaabot lang ng dalawa hanggang tatlong buwan at naipapataw na ang parusa. At hindi basta-basta ang parusa sa mga nagkakasala nang mabigat ang kanilang ibinibigay — firing squad. Doon, kahit babae ay hindi pinatatawad kapag napatunayang nagkasala nang mabigat. Doon, walang mayaman at walang mahirap basta nagkasala nang mabigat tiyak na tatanggap nang parusang mabigat.

Patunay nang mabilis na paggalaw ng hustisya sa China ay ang mabigat na hatol sa mga taong sangkot sa paghahalo ng melamine sa mga gatas na ikinamatay ng mga sanggol noong nakaraang taon. Ilalapat sa mga napatunayang nagkasala, isa ay 60-anyos na babae ang parusang firing squad.

Sana ay ganito sa Pilipinas para naman magka­roon ng pagbabago sa bansang ito at mabawasan ang mga corrupt, drug traffickers, rapist, terorista at iba pang masasama. Sa dami ng mga gumagawa ng masama sa bansa, kung ang sistema sa China ang gagamitin dito, mababawasan ang mga ma­sasama at maaaring makaahon sa kahirapan.

Sa dami ng mga corrupt sa Pilipinas, walang ibang nagdurusa kundi ang mga mahihirap. Patuloy silang nababaon sa kahirapan at hindi na maka­ahon. Paano’y walang patid sa pagnanakaw ang mga kawatan at wala nang itinitira sa kabang-yaman. Bundat na bundat na pero patuloy pa rin sa pagpa­pakabusog.

Panibagong kaso ng corruption na iniimbes­tigahan ng Senado ay ang tungkol sa tatlong kompanya na nakakakuha ng kontrata para sa road projects na tinanggihan ng World Bank dahil sa corruption. Ang masaklap, ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na may kaugnayan si First Gentleman Mike Arroyo kaya nakakakuha nang malalaking proyekto ang mga kompanya. Malaking pera ang sinusuhol ng kompanya para makakuha ng pro­yekto.

Sana katulad sa China ang sistema ng pagpa­parusa sa Pilipinas para magkaroon ng kaayusan at mawala na ang mga matatakaw.

vuukle comment

BUNDAT

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

ILALAPAT

NANG

PANFILO LACSON

PILIPINAS

SANA

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with