^

PSN Opinyon

BF Homes para sa iskwater?

- Al G. Pedroche -

KAPAG sinabing “BF”, nasok agad sa isip natin ay Banco Filipino o kaya’y si MMDA Chair Bayani Fernando na nagkaroon ng pangit na reputasyong “berdugo” ng mga illegal vendors at illegal squatters.

Ito ay ang pagpapatayo ng mga low-cost housing para sa mga mahihirap. Sabi mismo ni BF, mas disente pa raw at mura sa itinatayo ng Gawad Kalinga ang mga housing units na ito. Maganda iyan para mapawi ang impresyong giba lang ng giba ng tahanan si BF pero wala naman siyang paglilipatan sa mga mawawalan ng bahay.

Sa pulong ng Asian Network of Major Cities (ANMC) sa Malaysia na dinaluhan ng 11 bansa sa Asya, napagka­sunduan ang pagtatayo ng mga low-cost housing sa mga key cities sa Asia kasama na ang Metro Manila, New Delhi, Bankok, Jakarta, Tokyo, Seoul at iba pa. Sa Pili­pinas, maitatayo ang murang pabahay sa halagang P50,000 lamang! Mas mura ito kumpara sa P70,000 na itinatayo ng Gawad Kalinga. Sige Mr. BF, call ako diyan at nang makatikim naman ng ginhawa ang mga kaba­bayan nating squatters.

Sa kabilang dako, may panukala si Commission on Human Rights Chair Lilia de Lima na bigyan ng higit pang proteksyon ang mga squatters. Patutsada ito laban sa demolisyon na ginagawa ng MMDA. Alam nating lahat na ang MMDA ang nakatoka sa paglilinis ng Kamaynilaan sa mga naglipanang iskuwater. Ayon sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), higit na sa isang milyong pamilya ang nag-iiskuwat sa Metro Manila lamang. Mahigit iyan sa 50 porsyento ng kabuuang bilang ng mga informal settlers sa buong bansa.

Sabi ni BF lahat ng kanilang demolition operation ay pawang alinsunod sa batas taliwas sa paratang ni de Lima. Kasama na riyan ang paki­ kipagkonsultasyon mis­mo sa mga squatters o informal settlers na mada­las, uma­abot ng taon bago magkaroon ng kasunduan.

Marami talagang istruk­tura ng mga squatters ang dapat gibain dahil hindi lamang perhuwisyo kundi panganib sa buhay ng tao. Tulad na la­mang ng mga bahay na nasa gitna ng kal­sada o nakatayo sa daluyan ng tubig o estero. At ayon sa batas, ang mga ganyang tirahan ay puwe­deng gibain agad. Kaya hangad natin ang tagumpay ng low-cost housing project ni BF para sa mga squatters.

ASIAN NETWORK OF MAJOR CITIES

BANCO FILIPINO

CHAIR BAYANI FERNANDO

GAWAD KALINGA

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

METRO MANILA

NEW DELHI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with