^

PSN Opinyon

Target ni Lapus: High-tech public school education

- Al G. Pedroche -

WORKING double-time ang kabalen ko na si Education Secretary Jesli Lapus. Ang kanyang mission: I-angat ang kalidad ng edukasyon to cyber-age level!

Noteworthy ang programa ni Lapus na balik-eskuwela. Muling hinahasa, sinasanay at tinuturuan ang mga guro sa epektibong paraan ng pagtuturo.

Sa simula pa lang ng papatapos na taong ito hanggang Septiyembre, may 122,000 nang mga guro, administrador at iba pang DepEd personnel ang nakinabang sa special training na ito. Bukod pa riyan ang napakarami nang guro na sinasanay sa paggamit ng modern technology para maging mas epektibo sa pagtuturo.

Bukod diyan, mayroon ding 102 educators, administrators at supervisors ang nabigyan ng pagsasanay sa math, english at science na karaniwang “nangangamote” ang maraming estudyante sa mga public schools. 19 porsyenyo ng may 531,705 public school teachers, administrador at superbisor ang nabigyan na ng pagsasanay.

Puspusan ding isinusulong ni Lapus sa ating education system ang Information Communication Technology (ICT) na matagal nang ginagamit sa ibang bansa. Cyber-age na tayo at kailangan talagang gawing computerized ang sistema para maging akma sa panahon ang pagtuturo at ang kaalamang naibabahagi sa mga nag-aaral.

Parang kailan lang, mano-mano ang paraan sa edu­kasyon. Ngayon, ang mga paaralang publiko ay nakaka­konekta na sa information highway na dati’y mga priba-dong paaralan lang ang may access.

Malaking tulong ito sa mga mag-aaral lalo na sa isina­sagawang mga research. Isang pindot lang sa keyboard ay naririyan na ang kaila­ngang impormasyon.

Pero may isa pang pro­blemang dapat harapin. Hindi lahat ng dako ng ban­sa ay naaabot ng elektri­sidad at linya ng telepono. Kung wala ang mga iyan, paano magiging completely computerized? As of now, mayroon nang 2,020 public schools ang mayroon nang internet connection.

Para bumilis pa ang computer literacy ng mga guro, inilunsad ni Lapus ang Laptop for Teachers. Ito’y pag­­kakataon para sa mga guro na makabili ng sariling laptop sa paraang hulugan at mura pa. Wow! More power to you Jesli!

BUKOD

CYBER

EDUCATION SECRETARY JESLI LAPUS

INFORMATION COMMUNICATION TECHNOLOGY

ISANG

JESLI

LAPUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with