^

PSN Opinyon

Paggamit ng estrogen dahilan ng cancer sa uterus

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

KARANIWANG nagkakaroon ng cancer sa uterus ang mga kababaihang nasa edad 40 hanggang 70. Ang cancer ay makikita sa mucous lining ng uterus at sa muscle tissues ng uterus mismo.

Ano ang sintomas ng cancer sa uterus? Pagka­karoon ng spotting sa pagitan ng menstrual period; pagdu­rugo pagkaraan ng pagtatalik; abnormal na daloy ng regla na minsan ay malakas at may pagkakataong matagal bago tigilan ng regla. Ang mga postmenopausal women ay karaniwang nagkakaroon ng pagdurugo. Makararanas din ng abdominal cramping o pananakit ng tiyan.

Ano ang dahilan ng cancer sa uterus? Hindi malaman kung ano ang dahilan ng cancer sa uterus pero sa pag-aaral lumalabas na ang nagkakaroon nito ay mga babaing matataba, may hypertension, may diabetes at mga hindi pa nagkakaanak.

Gaano kabigat ang cancer sa uterus? Kung ang cancer ay nasa lining ng uterus (endometrium) ang five-year survival rate ay 85 percent. Kung ang cancer ay nakakalat na malalim na bahagi ng muscle layers ng uterus, 60 hanggang 70 percent na mabubuhay ng limang taon. Kung nakakalat na sa lymph nodes, ang cure rate ay mababa na.

Nakahahawa ba ito? Hindi.

Paano ang treatment? Depende ang treatment sa location at lawak ng cancer. Kadalasang ginagawa ang pagtanggal sa uterus, fallopian tubes, ovaries at ang mga nakapaligid na lymph nodes. Kapag nasa advanced stage na ang cancer, ang radiation theraphy ay ginagawa.

Paano maiiwasan? Hindi pa alam kung paano ito mapi-prevent. Sa pag-aaral tungkol sa uterine at endometrial cancer, lumalabas na ang matagal na paggamit ng estrogen ay inuugnay dito. 

vuukle comment

ANO

CANCER

GAANO

KADALASANG

KAPAG

MAKARARANAS

NAKAHAHAWA

PAANO

PAGKA

UTERUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with