Pasugalan sa Gagalangin matindi
Nagpapasalamat ang mga kuwago ng Ora Mismo sampu ng mga empleyado ng Pilipino Star Ngayon kay bossing Miguel Belmonte, presidente ng dyaryo, dahil sa magarbong Xmas party at sangkatutak na premyo at libu-libong cash prizes na ipinamudmod nito para lamang sumaya ang mga empleyado nito.
Hindi nga lang siya nagsalita kung may 18th months ba ang mga taga-PSN pero sa kabila ng krisis ay inaasahan na magbibigay ito ng 18th month bonus sa anibersaryo ng PSN.
Sa mga hindi nanalo sa ginanap na Xmas raffle draw last Thursday night, better luck next time!
Mr. MGB maraming maraming salamat po.
Sabi nga, sipsip! hehehe...
* * *
Nakapatong ang ilang kagaguhan este mali tauhan pala ni MPD Station 1 Rollie Miranda sa mga video karera at horse racing bookies dyan sa road 4 at Pag-asa Gagalangin, Tondo.
May mga burongoy kawatan dito ang nagpapasugal tulad nina William panghe at Bong kaya hindi mapatigil ng mga lespiak ito sa block.
Bakit?
Malaki kasi ang ganansiya ng mga katulisan este mali lespiak pala sa mga pa-bookies na nagkalat dyan sa lugar na sakop ng MPD station 1?
Ano kaya ang ginagawa dito ni Miranda?
Sagot - wala!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins puedeng maglagay ng isang iligal lalo na kung pasugalan sa isang lugar kung walang basbas ang mga kolektor ng mga kapulisan at mga barangay.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa rin pinatitigil ng mga bataan ni Miranda ang sugalan sa bahay mismo ni William panghe dyan sa Road 4 Gagalangin, Tondo.
Kung bakit? Siempre si Miranda lang ang nakakaalam.
Magkano kaya ang napupunta sa katulisan este mali rakpadudels pala na ganansiya sa bookies nina William panghe at Bong sa Pag-asa St., Gagalangin, Tondo.
Malaki kaya?
Wala bang alam dito si MPD chief Boysie Rosales?
Baka naman hinihintay pa nila na si NCRPO bossing Pol Bataoil ang umaksyon dito.
Abangan.
- Latest
- Trending