^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga 'dilis' ang nalalambat ng Office of the Ombudsman

-

IPINAGMAMALAKI ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na 16,000 kaso ng katiwalian ang nalutas ng kanyang tanggapan mula nang ilagay siya sa puwesto ni President Arroyo noong December 2005. Ayon kay Gutierrez, may kabuuang 21,000 kaso ang naka-file sa kanyang tanggapan. Inamin ng Ombudsman na sobra talaga ang katiwalian sa lahat ng level ng gobyerno at maging sa lipunan. Sabi ni Gutierrez, nararapat itong labanan hindi lamang ng gobyerno kundi pati ng taumbayan. Dapat daw magkaisa ang lahat para malabanan ang corruption.

Tama ang Ombudsman na para malabanan ang corruption ay dapat magtulung-tulong ang lahat ng sector. Pero dapat sa kanila mag-uumpisa ang lahat para naman magkaroon ng lakas ang taumbayan na isumbong ang mga nangyayaring katiwalian. Dapat magpakita ang Office of the Ombudsman nang seryosong paglupig sa mga corrupt. Dapat ipakita ng Ombudsman na kahit mga malalaking “balyena” ay kaya nilang lambatin at ihulog sa ku­mu­kulong mantika para matapos na ang pagpapa­hirap sa bansa. Ipakita ng Ombudsman na wala silang kinatatakutan. Kung pawang mga “dilis” ang kayang lambatin ng Ombudsman, paano magkaka­roon ng lakas ng loob ang mamamayan o ang mga sector ng lipunan na ibulgar ang mga magnanakaw sa gobyerno. Hindi magkakaroon ng inspirasyon ang mamamayan na tumulong kung ang Ombudsman ay may kinatatakutan at tila merong kinikili­ngan. Kung hindi makakaya ng Ombudsman na mag­pakita ng seryosong paglaban sa mga kawatan sa pamahalaan, huwag na lang ibando ang mga sina­sabing nalutas na kaso ng katiwalian. Mahirap ma­paniwala ang taumbayan ngayong panahon. Marami na ang namulat sa inaakto ng mga lingkod-bayan na pawang ningas-kugon lamang.

Ano ang nangyari sa kaso ni dating Justice secretary Nani Perez? Ano ang nangyari sa palpak na Mega-Pacific na kinontrata ng Comelec para sa computerization? Ano ang nangyari sa overpriced na poste ng ilaw sa Cebu? At ano ang ginagawa ng Om­budsman sa kaso ni dating Agriculture under­secretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante?

Mga “balyena” ang lambatin ng Ombudsman at hindi lang “dilis”. Maniniwala ang taumbayan kung makakahuli ng “balyena” ang Ombudsman.

ANO

AYON

DAPAT

NANI PEREZ

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with