^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang ika-8 mamamahayag na pinatay ngayong 2008

-

LABINDALAWANG bala ang nakuha sa katawan ni Leo Luna Mila, 35, isang broadcaster sa Northern Samar. Siniguro siyang patay bago tumalilis    ang gunman gamit ang kalibre .45 na baril. Sa iba’t ibang bahagi ng katawan tinamaan si Mila. Katata­pos lamang ng programa ni Mila dakong alas-sais ng gabi noong Martes nang pagbabarilin sa gate mismo ng radio station.

Si Mila ang ika-8 mamamahayag na pinatay nga­yong 2008 at ika-54 mula nang maupo sa puwesto si President Arroyo noong 2001. Mula nang mapa­talsik si President Marcos noong 1986, nasa 122      na ang mga mamamahayag na pinaslang at kara-mi­han ay hindi nalulutas.

Noong nakaraang Nobyembre 17, isang mama­ma­hayag ang binaril at napatay din sa Gingog City, Misamis Oriental. Binaril sa harap ng kanyang anak si Ariceo Padrigao, radio commentator ng dxRS Radyo Natin. Inihatid ni Padrigao ang kanyang pi­tong taong gulang na anak sa school nang pagba­barilin ng dalawang lalaking nakamotorsiklo. Hang­gang sa kasalukuyan, hindi pa matukoy kung sino ang utak sa pagpatay kay Padrigao.

Ang Pilipinas ay ikalawa sa mga bansang mapa­­nga­nib sa mga mamamahayag. Nangunguna ang Iraq. Dahil sa walang tigil na pagpatay sa mga mama­mahayag, maraming dayuhang grupo ang bumaba­tikos sa gobyerno. Tahasan nilang sinabi na walang ginagawang aksiyon ang Arroyo administration sa pagpatay sa mga mamamahayag. Maraming grupo ng mamamahayag ang nagtungo rito sa Pilipinas para hilingin sa pamahalaan na bigyan ng aksiyon ang mga pagpatay. Nagpahiwatig pa ang mga bu­ mabatikos na kaya hindi malutas ang mga pagpatay ay dahil sangkot ang military sa krimen.

Nakakahiya ang ganitong pagbatikos. Hindi na­man aabot sa ganitong kaaanghang na pagbatikos ang mga nangyayaring krimen kung ginagawa ng gobyer­no ang lahat ng paraan para malutas ang kaso. Suba­lit sa nangyayaring sunud-sunod na pagpatay, nakiki­tang walang paki ang pamahalaan. Nakatam­bak na ang mga kasong pagpatay sa mga mama­ma­ha­yag subalit walang makitang seryosong hak­bang para madakip ang mga utak.

Kailan ba matitigil ang pagpatay sa mga mama­ma­hayag? Mahirap sagutin lalo pa nga’t ang pama­halaan ay walang ginagawang hakbang.

ANG PILIPINAS

ARICEO PADRIGAO

GINGOG CITY

LEO LUNA MILA

MISAMIS ORIENTAL

NORTHERN SAMAR

PAGPATAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with