^

PSN Opinyon

'Maginoong' Manny Villar

- Al G. Pedroche -

MUKHANG magiging maigting na labanan nina Vice President Noli de Castro at Senator Manny Villar ang darating na presidential elections sa 2010 kung ang pagbabasehan ay ang latest survey ng Pulse Asia na nagpapakitang pangalawa na si Villar kay Kabayan. Sabagay, medyo malayo pa ang 2010 at ang survey results ay pabagu-bago. May mga possible pang mangyari na maaaring magpataas o magpabagsak sa rating ng sino man.

Ito’y post mortem” analysis ng nakaraang kudeta sa Senado. Sabi ng iba, bunga ito ng tumataas na rating ni Villar. Matapos maramdaman na wala nang suporta ang nakararaming Senador sa kanya, si Villar na ang nag­kusang nag-resign.

Madalas man natin siyang mabatikos, nagpakita si Villar ng statesmanship sa ginawang pagbibitiw sa puwesto. Kung estratehiya man ng mga senador na ka­tunggali ni Villar sa presidential race ito, mukhang mali. Alam n’yo naman ang Pinoy, laging kumakampi sa inaa­kala nilang naaapi. Marunong sumakay sa sirkumstan-sya si Villar. 

Sa umpisa pa lang ay maiinit na kay Villar ang ilang kasamahang senador sa oposisyon na hindi bumoto sa kanya. Ang dahilan hindi nila nakuha ang komite na nais nilang pamunuan.

Kung ang pagbabatayan ay rating, tumaas ang kay Villar mula sa 14 percent na satisfaction at trust rating ng Senado mula nang maging Senate President siya noong Sept. 2006. Ito ay naging 27 percent noong June 2008 na umabot sa pinakamataas na 32 percent noong          Sept. 2007, sa survey ng Social Weather Station.

Samantala, ang trust at satisfaction rating ni Villar bilang Senate President na mula sa 42 percent noong Sept. 2006 ay naging 52 percent noong June 2008 at uma­ bot sa pinakama­taas na 59 percent noong Dec. 2007.

Ayon sa political analyst na si Ramon Casiple, ang pagpapalit ng liderato sa Senado ay malamang konektado lahat sa 2010 presidential elections. Aniya “malaking banta” si Villar sa iba pang “presi­ den­tiables” sa oposisyon dahil siya ang maituturing “nangungunang” aspiran­te ngayon na posibleng maging susunod na pre­si­dente ng bansa. Ang ba­sehan na ito ni Casiple ay suportado rin naman ng mga naglabasang survey ng Social Weather Stations at Pulse Asia kung saan lumitaw na “panga­lawa” na si Villar sa rating at halos kapantay na ang no.1 na si Vice President Noli de Castro.

Sinabi noon ni dating Pangulong Joseph Estra­ da na kung sino man sa kaalyado ng oposisyon na mangunguna sa survey ay siyang dapat ma­ging opisyal na kandi-dato ng oposisyon sa 2010. By all indications, tila ito na nga ay si Villar kung ngayon gagawin ang pilian.

Kaya naman sabi ni Casiple, hindi nakapag­tataka na “magtulong-tulong” ang iba pang presidentiables ng opo­sisyon para mapaalis sa pwesto si Villar. Parang “battle royale” sa wrestling ano?

CASIPLE

PANGULONG JOSEPH ESTRA

PULSE ASIA

SENADO

SENATE PRESIDENT

SHY

VICE PRESIDENT NOLI

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with