^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang ika-7 media man na inutang ang buhay

-

HINDI pa rin nawawala ang taguri sa Pilipinas na isa sa pinakadelikadong bansa para sa mga ma­mamahayag. Una ay ang Iraq na wala ring awa kung paslangin ang mga mamamahayag. Pero mas ma­tindi ang nangyayaring pagpatay sa mga mi­yembro ng media sa bansang ito sapagkat kahit na kaharap ang anak, tuloy pa rin ang pag-utang sa buhay. Wa­lang makapipigil sa mga salarin sa pag-ubos sa mga mamamahayag.

Nadagdag sa listahan ng mga pinatay na miyem­bro ng media na si Ariceo Padrigao, radio commentator ng dxRS Radyo Natin sa Gingoog City, Misamis Oriental. Pinatay si Padrigao ng dalawang lalaking nakamotorsiklo ilang saglit makaraang maibaba nito ang anak na babae sa Bukidnon State University noong Lunes ng umaga. Dalawang tama ng bala sa panga ang tinamo ni Padrigao.

Nasaksihan ng anak ang pagbunot ng baril ng mga suspect at walang awang pagbaril sa ama. Bu­magsak ang ama. Duguan. Agad na namatay sa pi­nangyarihan ng krimen. Hindi agad nakapagsalita ang anak dahil sa pagkabigla. Isang napakasamang pangyayari ang kanyang nasaksihan na maaaring taglayin niya habambuhay kung hindi siya isasa­ilalim sa pangangalaga ng psychiatrist. Ayon sa ina ng bata, nagkaroon ng trauma ang kanyang anak dahil sa madugong pangyayari.

Ang pagpatay kay Padrigao ay walang ipinag-   ka­iba sa pagpatay sa mamamahayag ding si Espe-rat na pinagbabaril isang Biyernes sa loob ng kan­yang bahay at sa harap ng kanyang mga anak. Corruption umano sa Department of Agriculture ang dahi­lan kaya ipinapatay si Esperat.

Hanggang ngayon, blanko pa rin ang pulisya sa pagpatay kay Padrigao. Malamang na madagdag ang pagpatay sa mga hindi nalutas na kaso na lumobo noong 2006 kung saan 12 media man ang walang awang pinatay at hanggang ngayon, walang nalulutas. Parang mga manok na binaril ang mga mamamahayag noong 2006 at bahagyang kumunti naman noong 2007 makaraang batikusin ng United Nations. Pinuna ng UN ang kawalang interes ng gobyernong Arroyo na malutas ang mga pagpatay na ayon sa mga representative ng UN ay military ang may kagagawan.

Lutasin ang pagpatay kay Padrigao. Hulihin ang mga walang kaluluwang tumapos sa kanyang buhay. Ipakita ng gobyerno na hindi nila kinalilimu­tan ang mga kaso ng pinatay na media man.

ARICEO PADRIGAO

BUKIDNON STATE UNIVERSITY

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GINGOOG CITY

MISAMIS ORIENTAL

PADRIGAO

PAGPATAY

RADYO NATIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with