^

PSN Opinyon

Langit at Impiyerno

SAPOL - Jarius Bondoc -

NAKIPAGHUNTAHAN sa Diyos ang isang banal na pari. “Panginoon,” anang taga-lupa, “Nais ko po sana makita kung ano ang hitsura ng Langit at ng Impiyerno.”

Sinamahan ng Panginoon ang pari sa dalawang pin­tuan. Binuksan Niya ang isa, at dumungaw sa loob ang pari. Sa gitna ay may malaking bilog na mesa. At sa gitna ng mesa ay may malaking palayok ng nilagang karne. Nakakagutom ang amoy ng niluluto, at naglaway pa nga ang pari.

Ang mga nakaupo sa paligid ng mesa ay mapapayat at mukhang sakitin. Tila gutom na gutom. Nakasimangot sila, walang nagkikibuan. Bawat isa ay may tangang kut­­sara na napaka-haba ng hawakan na nakatali sa kamay.

Kayang-kaya ng bawat isa na umabot sa palayok sa gitna nang malaking mesa para kumuha ng pagkain. Pero dahil sa ang hawakan ng kutsara ay mas mahaba pa kaysa kanilang mga braso, hindi nila magawang maisubo ang nasandok na pagkain.

Kinilabutan ang banal na pari sa napanood na mapait na kalagayan. Anang Panginoon, “Hayan, nakita mo na ang Impiyerno.”

Binuksan ng Panginoon ang kabilang pintuan. Kapa­reho ang eksena sa loob. Nakapalibot ang mga tao sa malaking bilog na mesa na may higanteng palayok sa gitna kung saan naglalaga ng pagkain. Naglaway muli ang pari sa bango ng niluluto.

May tig-isang mahahabang kutsara ang mga kuma­kain. Ang kaibahan: Malulusog sila, nag-uusap at nagta­tawanan.

“Panginoon, hindi ko po maintindihan....” nagtataka ang pari.

“Simple lang,” anang Panginoon. “Isang gawain lang ang dapat sanayin. Dito sa Langit, marunong silang pakainin ang isa’t isa. Sa Impi­yer­no, sobrang damot nila   at sarili lang ang iniisip.”

Maraming naghihi­rap sa Pilipinas. Ang iilang nakakaangat ay hindi tumutulong para maia­ngat ang mayorya.

Imbis na gamitin para sa bansa ang natu­tunan, nagpapayaman lang para sa sarili.

* * *

Lumiham sa jariusbondoc @workmail.com

ANANG PANGINOON

BAWAT

BINUKSAN

BINUKSAN NIYA

IMPIYERNO

LANGIT

PANGINOON

PARI

SA IMPI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with