^

PSN Opinyon

Ano bang pumasok sa ulo mo Gen. Verzosa?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

IPINAGBABAWAL ni PNP chief Director Gen. Jesus Verzosa sa media people na buklatin ang police blotter at oras daw na suwayin ang kanyang utos, mananagot ang pulis at kanyang opisyal sa himpilan.

Marami tuloy ang nadismaya sa naturang bagong ka­utusan hindi lamang sa hanay ng mga mamamahayag kundi maging ang mga mamamayang nagsasampa ng reklamo sa PNP.

Kahit pa nga noong martial law ay nasisilip ng mga media people ang police blotter dahil itoy pampublikong dokumento. Mas madali kasing kumilos ang kapulisan kung matututukan ng media ang reklamo ng mga biktima.

Subalit sa panahon   ni Verzosa, bawal na ang pag­buklat ng police blotter. Ito na kaya ang sistematikong pamamaraan ni Verzosa na mapaganda at mapabango ang mabahong imahe ng PNP? He-he-he! Takot kayang maamoy ng media ang mga ibinabangketang reklamo ng kanyang mga tauhan kaya mahigpit niya itong ipinagbawal?

Kung sabagay weather-weather lamang yan mga suki! Kung sino ang nasa puwesto, siya lamang ang may karapatang magmando ng ninanais. At dahil si Verzosa na nga ngayon ang hari ng kapulisan siya lamang ang may karapatang magpatupad sa kanyang kautusan. Makakatulong kaya ang pagbabawal ni Verzosa sa media para madaling malutas ang krimen?

Ayon sa mga nakausap kung pulis sa Manila’s Finest­, naiirita umano si Verzosa sa mga negatibong sinusulat ng mga kolumnista at reporter sa kasalukuyan. Hindi tulad ng mga nagdaang PNP chief na magaganda at maku­kulay ang mga istoryang nailalathala.

Sir, trabaho lang at walang personalan. Kung ma­ganda ang serbisyong ipinamamalas mo at mga tauhan handa kaming pumuri at handa ring bumatikos kung ito ang tamang paraan upang mapagbago ang naliligaw ng landas.

Para sa aming mga mamamahayag mahalagang mailathala namin ang mga reklamo o nilalaman ng police­ blotter upang makatulong sa kapulisan. Handa rin kaming tumulong na itago muna ang kakilanlan ng mga complainants at akusado kung ito’y mga menor de edad o kaya’y may negosasyong nangyayari katulad ng kidnapping.

Bawal na ngang ipresenta ang mga suspek sa mamahayag, bawal na rin ang pagbuklat ng police blotter­. Ano ba yan, General Verzosa? Ito na ba ang inyong paraan para supilin ang press freedom sa bansa?

ANO

AYON

DIRECTOR GEN

GENERAL VERZOSA

JESUS VERZOSA

KUNG

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with