^

PSN Opinyon

Pilipino nurses sinasamantala

SAPOL - Jarius Bondoc -

SALA-SALABAT ang mga isyung bumabagabag ngayon sa propesyon ng nursing. Ito ang ulat ni Dr. Leah Primitiva Samaco-Paquiz, presidente ng Philippine Nurses Association na may doctorate sa education.

Dagsa ngayon ang mga tituladong nurses — halos kalaha­ting milyon sila — pero walang trabaho. Nito kasing nakaraang walong taon, nauso kumuha ng B.S. Nursing courses dahil sa tindi ng pangangailangan sa America, Europe at Australia. Napabalita nu’ng una na napakadali magka-trabaho ng nurses, isinasama pa ng recruiters ang mga pamilya sa immigration processing, na nakukuha sa loob ng dalawang buwan lang. Kaya pati mga doktor sa Pilipinas, nag-nurse para lang makapag-OFW.

‘Yun nga lang, biglang naghigpit ang America sa pagtang­gap ng nurses o kahit ano’ng propesyonal na Pilipino. Sagad na kasi sa limit na 50,000 immigrants per year lang ang tina­tanggap na Pinoy, karamihan nurses, kaya sarado muna ang bintana, ika nga.

Nagpalala sa sitwasyon ang paggaya ng ibang bansa sa Pilipinas. Marami ring pinapa-graduate na nurses ang India, Korea, Singapore at Mexico, na lahat ay nais mag-abroad.

Samantala sa Pilipinas, hindi naman nadagdagan ang     dami ng ospital at openings sa nurses. Sinasamantala ito ng ilang ospital. Nag-a-apply sa kanila ang mga bagong nurses para magka-experience. at sinisingil nila ang mga ito nang tig-P3,000 para mag-on-the-job training. Baliktad na ang mundo, ang nagtatrabaho ang nagbabayad sa amo. ‘Yung ibang nurses, dahil kapit sa patalim, kung anu-ano na lang na trabaho ang pina­pasukan abroad.

Naglipana rin ang nursing schools ngayon. Parang   mga kabuting nagsibukasan dahil sa dami ng gustong kumuha ng nursing. Pero marami rin dito ang mga palpak. Ang tataas sumingil ng tuition (pati sa review centers), pero wala naman natututunan ang estud­yan­ te. Kaya pagkuha ng nursing board exam — bagsak. Aba’y 40 percent lang, da­lawa sa bawat limang exa­minees, ang nakakapasa tuwing exam months ng Hunyo at Disyembre.

vuukle comment

BALIKTAD

DAGSA

DR. LEAH PRIMITIVA SAMACO-PAQUIZ

KAYA

NURSES

PHILIPPINE NURSES ASSOCIATION

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with