^

PSN Opinyon

Secretary of Injustice manhid sa biktima

SAPOL - Jarius Bondoc -

ANGKOP kay Raul Gonzalez ang bansag na Secretary of Injustice. Imbis na panindigan niya ang katarungan bilang justice secretary, niyuyurakan niya. Halimbawa nito ang halos 200 kaso ng kidnapping at murder ng mga militante, peryodista at huwes na hindi man lang niya inaasikaso. Tapos, sa angal ng pamilya Hultman sa pagpa­­palaya kay milyonaryong Claudio Teehankee Jr, na pumatay sa 16-edad na Maureen nu’ng 1994, kapala­luhan at kamanhidan ang sagot niya.

Umapela kayo kay Hesukristo, tinuya ni Gonzalez ang Hultmans. Ito ang kanyang paraan ng pagdiin sa ka­pangyarihan ni Gloria Arroyo sa Konstitusyon na mag­pa­laya ng convict. Oo nga’t poder ‘yon ng Presidente, pero hindi ibig sabihin ay magpapalaya na siya nang labag sa proseso.

Kung papatulan ang hamon ni Gonzalez, isusumpa siyang masunog sa Impiyerno nang kawalang-hanggan. O kaya igagaba na sa kaanak niya mangyari ang sinapit ni Maureen, para labis na magdalamhati rin siya tulad ng pamilya Hultman. Pero kasalanan ang mag-isip ng gan’un.

Iisa ang iginigiit nina Gonzalez at Executive Sec. Ed Ermita. Kesyo raw pumirma ang Hultmans nu’ng 1998 ng kasunduan na hindi sila tutol kung sakaling humingi ng executive clemency si Teehankee na bumaril sa mukha ni Maureen. Oo, pumirma nga sila, pero pro forma ‘yon. Dapat pa rin dumaan sa wastong proseso ang pagpa­palaya. Dapat magpakita ang convict ng pagsisisi sa pamamagitan ng paghingi ng tawad sa biktima o pamilya, at pagbayad ng itinakdang multa ng korte. Dapat din sabihan ang biktima o pamilya, at prosecutor na nagpa-convict, na palalayain na ang preso. ‘Yun ang iniaangal ng Hultmans at ni Chief Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio: hindi man lamang sila inabisuhan.

Maaalalang papaspasan din sana nung 2007 ang pagpapalaya kay Rolito Go, na pumatay kay Eldon Maguan. Napigilan ito nang ibunyag ko na hindi pa bina­bayaran at nagso-sorry sa Maguan family, at nag-abiso kay Villa-Ignacio rin.

Heto’t sumasabat pa si Speaker Nograles kontra sa Hultmans. Bakit?

CHIEF SPECIAL PROSECUTOR DENNIS VILLA-IGNACIO

CLAUDIO TEEHANKEE JR

DAPAT

ED ERMITA

ELDON MAGUAN

EXECUTIVE SEC

GONZALEZ

HULTMANS

MAUREEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with