^

PSN Opinyon

Hinagpis ni DA Sec. Arthur Yap!

- Al G. Pedroche -

MAYROONG rice sufficiency program ang gobyerno pero naghihimutok si Agri. Secretary Arthur Yap dahil tampulan ito ng pagbatikos. Hindi raw ubrang sisihin ang DA porke nang dahil sa devolution of power sa mga local government units (LGUs), wala nang direktang kapamahalaan ang departamento niya sa mga ipina­tutupad ng proyekto. “Para kaming mga Heneral na walang sundalo” wika ni Yap.

Sa kabila nito, sinisisi si Yap lalu na ng mga leftwing solons sa mga anomalya sa proyektong agricuktural ng DA. Actually, tingin ko’y si President Arroyo ang talagang ibig birahin. Wika nga, hataw sa kalabaw sa kabayo ang latay.

 Inuupakan ngayon ng mga leftist group sa labas at loob ng Kongreso ang administrasyong Arroyo gamit ang isang 2007 Commission on Audit (COA) report. Kaugnay ito sa ilang “iregularidad” sa mga proyektong agrikultural na ipinapatupad sa lokal na lebel ng mga municipal agricultural officers (MAOs).

Sa usaping ito paliwanag ni Yap, wala nang kontrol ang pambansang gobyerno sa mga MAOs. Umiiral na ang Local Government Code. Sa bisa nito, direkta nang pinama­mahalaan ng mga local government units ang mga serbis­yong pang-agrikultura, pangkalusugan at iba pang pangu­nahing serbisyo. Ang batas na ito na ang pangu­nahing may akda ay si Sen. Nene Pimentel ng oposisyon ay nagla­layong magsulong ng genuine local autonomy.

Medyo misleading ang mga bintang against the administration although naniniwala akong dapat kumilos mismo ang Pangulo para siyasatin ito, bagay na inum­pisahan na ni Yap. Halos lahat ng mga isyung binigyang-pansin ng COA ay nasagot o inaayos na ng DA.       

Ilang buwan nang nilalakad ng DA ang pagdi-detail ng mga MAO sa mga Regional Field Units o RFUs ng departamento. Sa ilalim ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DA at League of Pro­vinces of the Philippines, ang mga local governments ay mag-aasign ng ilan sa kani­lang mga agriculture   officers sa mga RFU ng DA upang mamonitor nang maayos ng DA ang two-year, five-harvest program nito na naglala­yong iangat ang rice self-sufficiency level ng bansa mula 92% nga­yong taon at paak-yat sa 98% pagdating   ng 2010.

Pinaiimbestigahan din ni Yap ang isyu. Bu­muo na siya ng fact-find­ing team para maka­pagsampa ng karam­pa­tang kaso laban sa mga may kasalanan, ma­ging mga MAO man o mga tauhan sa RFU na maa­aring may kapal­pa­kan sa implemen­tas­yon ng mga proyek­tong ito.

Ang imbestigasyon ding ito, ayon kay Yap, ang maglilinis sa pa­ngalan ng mas nakara­raming bilang ng mga MAO at local elective officials na naging tunay na masipag at ma­tapat sa kanilang tra­baho para tulungan ang pam­ban­sang gobyerno sa pag­papatupad ng mga food security program nito sa lokal na lebel.

LEAGUE OF PRO

LOCAL GOVERNMENT CODE

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NENE PIMENTEL

PRESIDENT ARROYO

REGIONAL FIELD UNITS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with