^

PSN Opinyon

'Right of way'

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ng mag-asawang Val at Lyn laban sa mag-asawang Frank at Carrie. May kinalaman ang kaso sa isang parselang lupa na may sukat na 380 metro kuwadrado na pag-aari ng mag-asawang Frank at Carrie at kahangga sa norte, silangan at kanlurang bahagi ng ibang lote at sa timog naman ay ng isang sapa. Noong Enero 11, 1993, binili ng mag-asawang Val at Lyn ang isang 200 metro kuwadradong bahagi sa silangan. Binili nila ito sa mag-asawang Frank at Carrie sa halagang P 70,000.

Sa kasulatan ng bentahan, malinaw na nakasulat na dapat maglalaan para kina Val at Lyn ng daanan na dalawang metro ang lapad bilang “right of way” sa may kanlurang bahagi ng lote nguni’t hindi ito kasama sa kasulatan ng bentahan. Noong ibinenta ang lupa, ang sina­sabing daanan ay ang sapa at wala pa talagang kalsada para marating nina Val at Lyn ang highway.

Hindi nagtagal, nagpagawa sina Frank at Carrie ng pader sa kanlurang bahagi ng lupa. Sa paniniwalang ito ang dapat magiging daanan na binanggit sa kontrata, pumunta ang mag-asawang Val at Lyn sa barangay at inireklamo ang mag-asa­wang Frank at Carrie. Wa­ lang nangyari sa pag­pupulong dahil hindi sumi­pot ang dalawa sa mga pu­long na pinapa­tawag ng barangay baga­ma’t pag-aari nila ang dalawang loteng katabi nito na may da­anan pa­puntang highway.

Noong Abril 1999, nag­sampa na talaga ng reklamo sa korte ang mag-asawang Val at Lyn. Hiningi nila sa korte na ipag-utos sa mag-asa­wang Frank at Carrie na ibigay sa kanila ang na­pag­kasunduang daanan at tanggalin ang pader na nakaharang doon. Tama ba sila?

MALI. Ayon sa batas, (Art. 1358 Civil Code), ang lahat ng transaksiyon na may kinalaman sa lupa ay dapat na nakasulat. Ang stipulation na pinipilit nina Val at Lyn ay hindi isang tran­saksiyon ng bentahan ng lupa. Kaya’t kailangan pa ng ibang kasulatan tung­kol dito. Kahit pa sabihing naka­sulat na dapat bigyan sina Val at Lyn ng daanan ng mag-asawa, ito’y nanga­­nga­­hulugan lang na pwede silang bigyan ng daanan sa pamamagitan ng hiwa­lay na kasulatan. Isa pa, upang kila­lanin ang pagbi­bigay ng daanan, dapat maparehis­tro muna ito alin­sunod sa ba­tas (Art. 708-709 Civil Code).

Walang karapatan ang mag-asawang Val at Lyn na humingi ng daanan. May mga kondisyon na dapat sundin para sa pagbibigay ng tinatawag na “right-of-way” tulad ng: 1.) ang lupa ay dapat napapalibutan ng mga bagay na di-natitinag at walang madaling paraan upang makarating sa kal­sada o highway; 2.) may ka­­rampatang bayad sa ibini­gay na daan; 3.) ang pagka­kakulong ng lupa ay hindi sinadya at hindi ka­sa­la­nan ng may-ari; 4.) ang ibinigay na daanan ay nila­gay sa isang parte na hindi istorbo o pahirap sa pi­nag­ku­hanan ng right-of-way; 5.) ang dis­tansiya ng lupa sa kalsada ang pinaka­malapit. (Valdez vs. Tabisula, G.R. 175510, July 28, 2008).

ASAWANG

CIVIL CODE

DAANAN

DAPAT

LUPA

LYN

MAG

NOONG ABRIL

SHY

VAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with