^

PSN Opinyon

Holdapers ng 2 tabloid publications, laglag sa MPD!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

DAHIL sa inabandonang motorsiklo, natimbog ang apat na suspek sa loob lamang ng 24 oras matapos holdapin ang dalawang tabloid publication sa Port Area, Manila.

Matalas talaga ang pang-amoy ni Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales hepe ng Manila Police District matapos na makakita ng isang bagay na magtutulay sa kanyang mga kapulisan na marisolba ang krimeng isinagawa ng limang holdaper.

Noong madaling araw ng Agosto 25 ay pinasok ng limang katao ang tanggapan ng Ang Bagong Tik-Tik at Remate sa OMI Building sa may kahabaan ng 20th St., Port Area, Manila. Sapilitang pumasok ang limang hol- daper matapos tutukan ng baril ang mga empleado at kinuha ang koleksyon na nagkakahalaga ng P160,000 sa Tik-Tik at P20,000 sa Remate.

At bago pa man tumakas ang mga salarin ay sapili­tang nilimas ang lahat na mga mahahalagang gamit ng mga empleyado at tumakas ang mga ito gamit ang tatlong motorsiklo. Subalit hindi pa man nakalalayo ay nasiraan      ang isa sa motorsiklo na ginamit kaya napilitang aban­donahin, he-he-he! May kakabit na malas ang grupo kaya nagkaroon ng ibidensya na matiklo sila. Di ba mga suki?

Ito ang naging susi sa imbestigasyon na personal na pinatutukan ni Boysie sa kanyang matapat at masisipag na tauhan sa Theft and Robbery Division sa pamu-      muno ni Chief Insp. Benigno Macalindong.

Minamalas talaga ang grupo ng mga holdaper mata­pos lumutang si Jose Manago, alias “Betong” na taga Blk.9, Baseco Compound, Ermita, Manila sa tanggapan ni Maca­lin­dong. Akala ni Manago ay malilin­lang   niya ang mga pulis.

Itinanggi ni Manago na sangkot ang kan­yang motorsiklo sa panghoholdap subalit   sa matiyagang pag-usisa ni Macalin­dong, wala itong naga­wa kundi ipagta­pat   na hiniram ito ng kan­yang kumpare na si Jaime Oba­nel, alias “Dindo”.

Arestado agad ang isa sa mga suspect kaya hindi na nahirapan pa ang mga pulis sa paghahanap sa mga kasamahan nila.

Agad na kumilos si Macalindong kasama ang kanyang mga tau­han na sina Insp. William Santos, SPO4 Vi­ven­cio Catapang, SPO4 Diomedes Labarda, SPO3 Rogelio Pagilagan, SPO3 Dionilo Cinco, SPO2 Willex Mesina, SPO2 Cri­santo Carillo, SPO2 Jesus Pantaleon, SPO1 Harley Tapia, SPO1 Er­nesto Ma­ca­raeg at PO2 Jesus Ro­vina sa Base­co compound.

Dahil kilalang pugad   ng mga pusakal ang na­turang lugar ay humingi ng karagdagang pu­wersa si Macalindong kay Supt. Rolando Tu­ma­lad ng Mobile Patrol Division at mga matiti­kas na personnel ng Special Weapon and Tactics (SWAT).

At isa-isang nalam­bat ang mga kasama­han ni Betong sa pang­hoholdap na sina Jaime Obanel at Noel Sene­neng, alias Intoy” na nabigla sa pagsalakay ng grupo ni Macalin­dong. Hindi na naga­wang ma­katakas nina Obanel at Seneneng nang masu­kol sa kanilang lungga.

Habang iniimbes­tiga­han si Seneneng   sa MPD headquarters, napatawag sa cell phone si Ricky Montana kung kaya natunton din ito   sa terminal ng Victory Liner sa P. Campa St. Sam­paloc. Minalas din si Montana dahil nabu­king ang kanyang pag­takas.

Kayang-kaya ire­solba ang krimen kung makikiisa lamang ang mga biktima sa mga pulis. Kaya sa mga bik­tima ng krimen, mag­report agad sa mga otori­dad upang maka­gawa sila ng agarang hakbang.

Bigyan natin nang ma­si­­gabong palak­pa­kan si MPD Chief Supt. Rosales at kan­yang mga tauhan.

Mabuhay kayo!

ANG BAGONG TIK-TIK

BASECO COMPOUND

BENIGNO MACALINDONG

BETONG

BOYSIE

CHIEF SUPT

PORT AREA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with