Talamak na ang jueteng sa Bicol!
NASAAN na kaya ang jueteng whistleblower na si Boy Mayor? Kaya ko naitanong ito mga suki ay dahil sa talamak na ang jueteng sa Bicol subalit tahimik pa si Boy Mayor. Me pakinabang na kaya si Boy Mayor sa jueteng sa Bicol kaya’t may tapal na ang bunganga niya? Posible, di ba mga suki? Kasi nga kung walang pakinabang si Boy Mayor sa jueteng nina Bong Villafuerte ng Camarines Sur, Boy Bata at Ato Umali sa Camarines Norte, Nora de Leon at Atty. Baltazar sa Albay at Albin Yao sa Sorsogon tiyak mag-iingay siya tulad ng ginawa niyang pagtestigo sa Senado noon. Subalit sinabi ng mga kausap ko na pinagsisihan na ni Boy Mayor ang pagiging testigo niya. Palagi niyang ipinangalandakan sa Bicol na nagamit lang siya ng tropa nina Lingayen-Dagupan Arch. Oscar Cruz, ng Krusada ng Bayan laban sa Jueteng at nina Sen. Ping Lacson at Nene Pimentel, he-he-he! Buti nga ke Boy Mayor, di ba mga suki? Dahil sa katahimikan ni Boy Mayor, medyo nakahinga nang maluwag si Bicol Police Director Chief Supt. Paterno Bangui habang yumayabong ang kubransa ng jueteng sa area niya. Siyempre, palagi ring nakangiti si Bong Villamayor na nagyayabang
Sa totoo lang Secretary Puno, Sir, walang magawa si General Bangui para mapatigil ang jueteng sa Bicol dahil malakas din si Villafuerte sa Palasyo. Dagdagan pa ng impluwensiya ni Rep. Arroyo, di ba mga suki? Hanggang kailan kaya ang suwerte ni Bong Villafuerte?
Abangan!
- Latest
- Trending