^

PSN Opinyon

Loren, ‘the negotiator’

DURIAN SHAKE -

TILA naging paboritong photo opportunity (photo-op) ni Senator Loren Legarda ang kunan siya ng cameramen na sinusundo ang mga bihag tuwing pinalalaya ang mga ito ng iba’t ibang grupo, maging Abu Sayyaf  o ng New People’s Army.

Kaya nga nabansagan na rin si Loren na “the negotiator” dahil andun siya at mahalaga raw ang papel na ginampanan niya sa paglaya ng mga ito, na kinabibilangan nina Brig. Gen. Victor Obillo at kanyang aide na si Capt. Eduardo Montealto  noong sila’y dinukot ng mga NPA sa bundok ng Davao City noong 1999.

At ilang araw lang ang nakaraan pagkatapos palayain sina Obillo at Montealto, sumabak na naman si Loren sa mapuputik na kabundukan ng Surigao del Sur upang salubungin ang paglaya ng isa pang opisyal ng military na dinukot din ng mga NPA.

Si Loren din ang naging instrumento sa pagpalaya sa mamamahayag na si Arlene dela Cruz na binihag din sa Sulu ng Abu Sayyaf noong 2002.

Maging si Sen. Chiz Escudero ay napuna na rin ang pagiging negosyador ni Loren sa iba’t ibang mga grupo. Sinabi ni Chiz sa isang panayam dito sa Davao City noong Biyernes ng gabi na pati nga sa pagpapalaya ng mga NPA kay  dating Army Major Noel Buan sa Sorsogon noong April 2001, ay andun pa rin ang butihing senadora.

At ang pinakahuling tinulungan ni Loren ay si ABS-CBN anchorwoman Ces Drilon, cameraman Jimmy Encarnacion at Mindanao State University professor Octavio Dinampo.

At ang naging paborito ring linya ni Loren tuwing siyang naging instrumento sa paglaya ng isang bihag ay— “the release was unconditional and it was out of goodwill, etc….”. Sa kaso naman ni Ces, sinabi ni Loren na ang kapalit ng paglaya nila ay ang kanyang pangakong livelihood  aids at infrastructure projects para sa mga mamamayan ng Sulu.

Subalit binuko ni Ces si Loren nang aminin ng TV anchor na nagbigay nga ng paunang bayad na P5 million ransom kapalit sa paglaya ng isa sa kanyang dalawang cameraman, na si Angelo Valderama.

Ang pag-amin ni Ces ay taliwas sa sinabi ni Loren na walang ransom na binayad.

At kung P5 million ang kapalit sa paglaya ni Valderama, huwag n’yong sabihin na ang halaga na kapalit sa pagpalaya kina Ces, Encarnacion at Dinampo ay bumaba na lang ng basta-basta. Imposible ‘yon! Alam ng lahat kung gaano kagahaman at kabangis ang mga Abu Sayyaf, hindi nila ibaba ang ransom na kanilang hinihingi.

Ayon nga sa isang highly-reliable source na umabot sa mahigit P30 million ang total ransom para mapalaya sina Ces. Ang inamin ni Ces na P5 million ay first tranche lang at may kasunod pang bayaran.

Ngunit ano pa man, ang mahalaga ay napalaya na at ligtas na sina Ces, Encarnacion at Dinampo.

Walang masama sa pagtulong sa pagpalaya ng mga bihag. Ito nga ay kahanga-hanga na gawain lalo na pag ito nanggaling  talaga sa kaibuturan ng iyong puso na walang halong pagsamantala sa oportunidad para sa sariling kapakanan.

Kaya nga minsan ang sobrang daming photo-ops ay medyo hindi na rin maganda. Hindi maiwasan na suriin at tanungin na rin ng madla ang iyong motibo bilang “the negotiator”. Tatanungin din kung bakit ka pinagkatiwalaan ng mga grupong dumudukot ng kanilang mga biktima.

Tatanungin din ng iba kung bakit parati kang bida.

May kasabihan nga sa Bibliya tungkol sa “almsgiving” o pagbigay ng abuloy o anumang tulong sa nangangailangan – “Do not let your right hand know what your left hand is doing”.  Sa isang salita, huwag mong ipagyayabang ang kabutihang iyong nagawa, ito ay maliban lang kung ikaw ay pulitiko na kung saan normal ang photo-ops.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ANGELO VALDERAMA

CES

DAVAO CITY

LOREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with