^

PSN Opinyon

Salamat kay Dr. Francis Domingo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

SA aming pag-iikot sa mga barangay, may dinalaw kaming mahirap na pamilya De La Cruz sa Old Sta. Mesa. Kaawa-awa ang sitwasyon nila. Si Tatay Romel ay may bukol sa baga, puwedeng tuberculosis o puwedeng kanser. Hindi pa sigurado. Payat na payat na siya at nahihirapan nang huminga.

Si Nanay Daisy naman ay litong-lito na ang isip. Yung laging malayo ang tingin, at parang wala nang pag-asa. May tatlo silang anak at wala silang trabaho. Ang isang anak at may primary complex, o tuberculosis sa bata. Kailangan ng anim na buwan na gamutan.

Kamakailan ay dumalaw ang nanay sa aking clinic at dala ang kanyang limang taong anak na lalaki na natusukan ng barbecue stick sa mata. Grabe! Bulag na ang mata ng bata at hindi na makakakita. May isa raw kasing pilyong bata na tatlo nang kapwa bata ang binulag sa paggamit ng stick.

Matagal na naming tinutulungan ang pamilya De La Cruz sa gamot, pagkain at antibiotics. Ngunit sa dami ng mahihirap ay lagi namang kulang din sa pondo.

Masuwerte ako na nakilala si Dr. Francis Domingo, isang mabait na cardiologist at medical director ng Novartis Philippines. Matagal na akong binibigyan ng lakas ng loob ni Dr. Domingo sa kanyang mga sulat at text na sumusuporta sa aming charity mission.

Isang araw, kinausap ni Dr. Domingo ang apat niyang teenager na anak, sina Katrina, Koko, Kiro at Karlo Domingo. Naawa ang mga anak ni Dr. Domingo at nag-donate ng P5,000 na iaawas sa kanilang baon. Umabot sa P20,000 ang ibinigay ng mga bata sa aming foun­dation at dahil dito ay natutulungan namin ang tulad nitong pamilya.

Mapalad akong ma­kilala rin ang kompanyang No­var­tis sa pamumuno ni Dr. Francis Domingo. Tinu­turing kong aking guro si Dr. Domingo at todo ang pag­hanga ko sa kanya. Nagka­usap din kami ng kanilang mabait na corporate affairs director na si Ms. Christine Liwanag at ang manager na si Ms. Sharon Va­lenton.

Sa buong mundo, ang Novartis ay nangunguna na kompanya ayon sa tan­yag na Forbes Magazine. Marami silang mga bagong produkto na pampahaba ng buhay, katulad ng Galvus sa diabetes at Diovan sa altapresyon. Ang iba pa nilang mga gamot ay ang Sinecod, na ginagamit sa matinding ubo. Ang Ca­taflam at Voltaren ay para sa kirot ng katawan. May kama­halan ng konti ang gamot pero mabisa ito talaga.

Sana ay marami pa ang tumulad kay Dr. Domingo, na nagbibigay ng tulong sa mga pasyenteng nanga­nga­ilangan. Salamat ulit, Sir!

* * *

E-mail: [email protected]

vuukle comment

ANG CA

DE LA CRUZ

DOMINGO

DR. DOMINGO

DR. FRANCIS DOMINGO

MSORMAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with