Public service is not a position, it is an action
NOONG nakaraang Sabado, naging panauhing pandangal ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) si
Sa lahat ng Ambassador na nakatalaga rito, si Amb. Kenney ang nakahuli ng kiliti nating Pilipino dahil sa kanyang personalidad at katapatan sa trabaho. Sa kabila ng image niyang laging tumutulong sa mahihirap, hindi makakalimutan ang larawan niyang naka-Hijab nang personal siyang tumungo sa Jolo upang makausap ang Moro Islamic Liberation Front. Tanging si Amb. Kenney pa lang sa lahat ng Sugo ng Amerika ang nakagawa nito. Kaya naman sa mata ng marami, siya na yata ang pinakamagaling na ambassador sa kasaysayan ng relasyon ng dalawang bansa. Siya pa lang ang ambassador na hinangaan ng ganitong katindi upang parangalan ng pinakamataas na pagkilala ng isang graduating batch — ang magbigay ng talumpati sa pinakama halagang sangandaan ng kanilang buhay.
Hindi nabigo ang mga graduates dahil napakaganda ng iniwang mensahe ni Amb. Kenney (na nagmalaking anak siya ng isang inang guro) — ginunita kung paanong ang grupo ng mga Thoma sites noong 1901 ay naghatid ng kanilang kaalaman sa Maynila na nag-umpisa ng tradisyon ng paghubog na mahuhusay na guro at nagsilbing pundasyon ng ating sistema ng edukasyon. Pinamahagi rin ni ‘‘Amba’’ ang kanyang personal na pananampalataya: Always be your best; be a player; play fair; lvoe what you do; be proud. Alam na natin ngayon ang kanyang sekreto. At bilang tagamasid sa mga pangyayaring nakaaapekto sa interes ng publiko, ang REPORT CARD na mismo ang magpapatotoo na si Amb. Kenney ay talagang sinusunod ang salitang advice. Dapat lang itong hiramin at gawing reseta para sa mga sakit at karaingan ng bansa. Higit itong naunawaan ng mga nagsipagtapos dahil hindi nila ito makita sa mga kasalukuyang nanunungkulan.
Aniya: ‘‘Public service is not a position, it is an action.’’ Sa mga aksyon ni Amb. Kenney, maliwanag na karapat-dapat siyang matawag na tunay na Public Servant.
AMBASSADOR KRISTIE A. KENNEY
GRADE: EXCELLENT!
- Latest
- Trending