^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Proteksiyon sa nagbubunyag ng corruption

-

TALAMAK ang corruption sa bansang ito at ma­hirap mabasag. Hindi basta-basta madudurog sapagkat maraming dapat patunayan. Isa pang dahilan kung bakit mahirap basagin ay sapagkat iilan lamang ang lumalantad para tumestigo sa ka­ tiwalian. Delikadong lumantad at magbigay ng pa­hayag sapagkat buhay ang katumbas.

Mababanggit ang mga malalakas ang loob na tumes­ tigo para mawasak ang katiwalian sa gob­yerno ni dating President Estrada na sina Clarissa Ocampo, Delia Rajas at si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson. Ang kanilang testimonya ang nag­pa­lakas para maparusahan si Estrada dahil sa kasong pandarambong. Ang mga nabanggit na testigo ay naprotektahan kaya naman wala silang takot nang magsiwalat ng kanilang nalalaman ukol sa mga ginawa ni Estrada.

Ngayon ay isang testigo sa katauhan ni Rodolfo Lozada ang lumantad at ibinubulgar ang mga katiwalian sa gobyerno kaugnay ng national broadband project na ang ZTE Corp. ang magpopondo.

Mahirap ang katayuan ni Lozada na magsisiwalat ng mga katiwalian pero walang makitang protek­siyon. Ang Department of Justice na may hurisdik­siyon para maproteksiyunan ang witness ay kaba­liktarang hindi kinakalinga bagkus ay ito pa ang huma­habol. Halim­bawa ay ang ginawang pagsa­lakay ng National Bureau of Investigation sa tang­gapan ni Lozada sa Fort Bonifacio at kinuha ang maha­halagang dokumento roon.

Ang ganitong senaryo ay hindi na ipinagtataka sa­pagkat ang “kinalaban” ni Lozada ay ang mis­mong gobyerno na pinaglingkuran niya. Ayon kay Lozada, nagpunta siya sa Hong Kong para makaiwas sa pagdinig ng Senado. Pero nakonsensiya umano siya at naisip na bumalik para isiwalat ang nalalaman niya. Muntik nang malagay sa panganib ang buhay niya sapagkat sinundo siya sa eroplano ng ilang kala­lakihan at kung saan-saan siya dinala.

Ngayon, ang tanging nagpoprotrekta  kay Lozada ay  ang mga madre at pari sa La Salle Greenhills. Mas nakasisiguro raw ng kaligtasan si Lozada.

Hindi mauubos ang mga tiwali sa bansang ito sa­pagkat walang nakukuhang proteksiyon sa gob­yerno. Asahan pa ang pagdami ng sakit na corruption na masahol pa sa cancer. Ang pagpapasa ng batas ukol sa Republic Act 6981 o ang Witness Protection and Benefit Act ay nararapat.

ANG DEPARTMENT OF JUSTICE

CHAVIT SINGSON

CLARISSA OCAMPO

DELIA RAJAS

HONG KONG

LOZADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with