^

PSN Opinyon

Maayos na pagpapatupad ng batas

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

ANG kasong ito ay tungkol sa isang 40 ektaryang lupain na sakop ng Cadastral Survey 452-D (Cad 452-D). Noong Nobyembre 21, 1997, nagsampa sa Metropolitan Trial Court (MTC) ng pitong aplikasyon ang kompanyang BEPI upang mapatituluhan ang siyam na magkakatabing lupa na may sukat na 93,838 metro kuwadrado na sakop ng Cad 452-D. Sa parehong petsa, isang kompanya rin, ang BBPI, ang nagsampa ng tatlong aplikasyon para sa ilang bahagi ng nasabing lupa na may sukat naman na 73,436 metro kuwadrado.

Nang malaman ng pamilya Malinao ang tungkol sa aplikasyon ng BEPI at ng BBPI, agad silang gumawa ng oposis­yon laban dito. Ayon sa kanila, pag-aari nila ang 442,892 metro kuwadradong lupa na sakop ng Cad 452-D kasama na pati ang lupang hinahabol ng dalawang kompanya. Hiningi nila sa husgado na ituring ang ka­nilang oposisyon bilang aplikasyon na rin sa pagpapa­titulo ng lupa.

Pagkatapos, nagsampa na rin sila ng aplikasyon sa Regional Trial Court (RTC) upang mapatituluhan ang Cad 452-D at  upang itama ito sa tunay na sukat na 404,139 metro kuwadrado. Ang BEPI naman ang kumontra sa aplikas­yon ng pamilya Malinao. Ayon sa BEPI, dalawa ang lumalabas na aplikasyon ng pamilya, isa sa MTC at isa sa RTC.

Samantala, dinismiss ng MTC ang aplikasyon ng BEPI at BBPI. Diumano, hindi saklaw ng kapangyarihan nito ang tungkol sa pagpapatitulo sa lupa. Dahil sa nangyari, hindi rin tinanggap ng RTC ang mosyon ng BEPI na idis­ miss ang kaso ng pamilya Malinao. Tama ba ang RTC?

Oo. Una sa lahat, ha­bang nakabinbin na sa RTC ang aplikasyon ng pamilya Malinao nadismiss naman ang aplikasyon ng BEPI sa MTC. Kaya mag­mula noon wala nang ibang kaso ma­liban sa aplikasyon ng pa­milya Malinao kaya’t walang posibilidad na mag­karoon ng dalawang desis­yon.  Ito lamang ang pa­nga­nib na iniiwasan sa tina­tawag nating “forum shopping”.  Ang forum shop­ping ay ang pagsa­sampa ng iba’t ibang kaso sa iba’t ibang huku­man tungkol sa parehong par­tido at may kinalaman sa iisang usapin. Ang layunin nito ay ang magkaroon ng de­sisyon pabor sa tao o par­tidong sangkot. Hindi ito pinapayagan sa ating batas.

Pangalawa, ang pag­pa­pasa ng oposisyon ng pa­ milya Malinao sa MTC ay hindi dapat na ituring na isang aplikasyon na mag­ha­hadlang sa pagsampa ng ibang aplikasyon tung­kol sa kabuuan ng na­sabing lupa.

Pangatlo, ang aplikas­yon ng pamilya Malinao ay may kinalaman sa isang mas malaking lupa na sakop pati ang mga lupang hinahabol ng BEPI. Ang pinagkaiba ng sukat ng dalawang lupa ay sapat na upang hindi idismiss ang kaso. Kahit pa nga matuloy ang kaso sa MTC, ang  magi­ging desisyon dito ay tungkol lamang sa 93,868 metro kuwadrado at hindi sa mas malaking bahagi na umaabot ng 300,000 metro kuwadrado.

Panghuli, kung ididis­mis ang kaso sa RTC, wala na ring maiiwang remedyo sa pagitan ng pamilya Malinao at ng BEPI lalo at nadismis naman na ang kaso sa MTC. Ang pagtu­tuloy ng kaso sa RTC ang pinaka­mainam na gawin. Ang ba­tas sa forum shop­ping ay ginawa upang mas maayos na maipatupad ang batas. Hindi dapat na sobrang lite­ral ang gamit nito kung ang magiging epekto naman ay ang pag­hadlang sa  mabilis na pag­dedesisyon ng kaso (Cali­nisan vs. Court of Appeals et al., G.R. 158031 November 20, 2007).

APLIKASYON

AYON

BEPI

KASO

LUPA

MALINAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with