Naisahan nga, nalusutan Naman... (Payroll Robbery Hold-up Story Part I)
APAT na araw bago magpasko ng Disyembre 2007, isang kaso ng Payroll Robbery Hold-up ang trinabaho ng BITAG at National Bureau of Investigation Anti-Terrorism Department-Intelligence Service (NBI-ATD-IS).
Bunsod ito ng paglapit sa BITAG ng isang empleyado ng kumpanyang target holdapin ng sindikato ng Payroll Robbery Hold-up.
Sumbong ng empleyado, pinipilit daw siya ng mga suspek na makipagkutsabahan sa kanila sa gagawing holdapan.
Ito ay sa pamamagitan daw ng pagtimbre sa mga suspek ng oras, araw at lugar na pagwiwidrahan ng halos dalawang milyong pisong pampasahod at 13 month pay ng mga empleyado ng kanilang kumpanya.
Sa kasong ito, ang mga suspek na miyembro ng Payroll Robbery Hold-up Syndicate ay mga dating empleyado ng kumpanyang pinapasukan ng nagsum-bong na empleyado.
Pinagbantaan daw siya ng mga suspek na may mangyayaring masama oras na hindi siya makipagsabwatan kaya’t napilitan siyang pumayag dito.
Kaya’t ang siste, bantay-sarado ang kanyang mga kilos at galaw maitimbre lamang niya ang mga impormasyong kailangan ng mga suspek.
Subalit hindi ito naging hadlang para lumapit sa BITAG at maiparating naman namin sa NBI-ATD-IS ang delikadong kasong ito.
Dito na nagsimula ang masusing pag-aaral at imbestigasyon ng kaso, dumaan ito sa iba’t ibang proseso.
Sa tanggapan ng NBI-ATD-IS ay unang isinagawa ang cartographic sketch ng mga suspek upang maging pamilyar ang mga operatiba sa mga mukha ng miyembro ng sindikato.
Pagkatapos, nagsagawa ang BITAG at mga operatiba ng NBI-ATD-IS ng reconnaissance o pag-ikot at pag-aaral sa lugar ng gaganaping holdapan.
Mula sa bangko kung saan magwi-widraw ng payroll ang kumpanyang bibiktimahin. Ayon daw sa mga suspek, magdedeklara sila ng holdap paglabas ng empleyadong nagwidraw ng payroll sa bangko.
Hanggang sa kumpanyang target ng sindikato, ito ay upang makita at pag-aralan ang mga posibleng entry at exit point o mga rutang dadaanan ng mga suspek.
Subalit sa di inaasahang pagkakataon, sa oras at araw ng isinagawang reconnaisance ng BITAG at NBI-ATD-IS, nakita namin ang isa sa mga suspek ng Payroll Robbery Hold-up.
May karugtong...
- Latest
- Trending