^

PSN Opinyon

Simula na ng labanan sa 2010

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MARAMI ang nagulat sa mga pahayag ni dating President Erap tungkol sa nababalitang paglalabu-labo ng mga nagpaplanong kumandidato sa pagka-presidente sa 2010.Nagpahiwatig si Erap na handa siyang kumandidato kapag walang magaling na isasabak  ang oposisyon. Noong Sabado deretsuhang sinabi ni Erap na batay sa mga pangyayari ngayon, siya lamang ang tanging may tsansang manalo sa pagka-presidente sa 2010.

May nagsasabing pakulo lamang ni Erap na tumakbo para guluhin ang oposisyon. Ngunit ang tanong, sino naman daw ang patatakbuhin sa administrasyon? Si GMA raw ba kahit na lalabag na ito kung termino sa Konstitus­yon ang pag-uusapan. Kung hindi si GMA, sino ngayon sa administrasyon ang patatak­buhin at mamanukin ni GMA? Si Noli de Castro kaya?

Sa tingin ko si Senate President Manny Villar ang may malaking potensiyal na manalo sa pagka-presidente sapagkat may kakayahan siyang gumastos. Nasa posisyon siya at pre­sidente ng Nacionalista Party. Maganda ang kanyang mga karanasan sa buhay, may pinag-aralan at nanggaling siya bilang isang mahirap.

Hindi ko alam kung totoo ang pinaplanong pagtakbo ni Erap. Malalaman sa mga darating na mga araw. Sa pulitika, napaka­hirap arukin ang mga tunay na mangya­yari. Aakalaing totoha­nan, ‘yun pala ay lokohan lamang. Payo ko sa mamamayan, buksan ang mga mata at talasan ang pandinig.

AAKALAING

ERAP

KONSTITUS

NACIONALISTA PARTY

NOONG SABADO

PRESIDENT ERAP

SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

SI NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with