^

PSN Opinyon

Patakam

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Uhaw  na ang tao sa usaping Presidentiable kahit malayo pa ang  2010. Sabik na talagang ibaon sa limot ang panahon ni Gloria Macapagal Arroyo. Ang masalimuot na isyu ay dalawa: (1) maari pa bang kumandidato si ERAP? Nilabas ng Inquirer ang opinyon ni Fr. Bernas, Constitutional Law Expert at dating Constitutional Commissioner, bilang “last word” o huling salita sa isyu. Ani Fr. Bernas, bawal na daw si ERAP. Subalit ang dahilan nga kung bakit mainit ang debate ay dahil wala pang desisyon dito ang Korte Suprema. Kung sakali ay first time lang itong dedesisyunan. Ang huling salita dito ay sa Korte at hindi kay Fr. Bernas.

Matitindi ang lumulutang na pangalan. Maliban kay ERAP, ang line-up ng oposisyon: Lim, Binay, Villar, Lacson, Legarda, Roxas, Escudero. Sa administrasyon: Teodoro, Belmonte, De Castro, Gordon, Fernando. Lahat sila’y “Presidential Timber” ika nga. Premyadong abogado sina Teodoro (No.  1 sa Bar at tapos sa Harvard), Lim, Escu­dero, Binay, Belmonte at Gordon. Lahat ay naging mam­babatas, maliban kay Binay at Fernando na, kasama ni Lim, Belmonte at Gordon, naging mayor naman ng malalaking lungsod. Silang lahat, maliban kay Villar, Legarda, Escudero at Belmonte ay may “executive experience” bilang kalihim ng malaking kagawaran. Pero si Villar lamang sa kasaysayan ng bansa, pangalawa kay Manuel Roxas, ang naging Speaker of the House at Senate President. Si Legarda lamang, kasunod ni Jovito Salo­nga, ang nakakakuha ng No. 1 sa Senado ng dalawang beses. Si Escudero lamang ang Oposisyonista na muntik nang mag number 1 Senator. At si Belmonte ay dati na ring naging Speaker of the House. Sa mga naghahanap ng ispesyal na kwalipikasyon, sina Lim, Belmonte at Roxas ay pawang mga binata!

Kaya napapasarap ang bansa sa usaping Presiden­tiable. Maski ang respeta­dong si Chief Justice Puno at si Gov. Among Ed Panlilio ay madalas madawit ang pangalan sa huntahan. Ang lahat nitong patakam ay wa­lang kabuluhan kung hindi masagot ang pangalawang masalimuot na isyu ng panahon: (2) bibitiw ba sa puwesto si Gloria sa 2010?

AMONG ED PANLILIO

ANI FR

BELMONTE

BERNAS

BINAY

CHIEF JUSTICE PUNO

CONSTITUTIONAL COMMISSIONER

GORDON

SPEAKER OF THE HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with