^

PSN Opinyon

Babala ng SEC sa Cellpawnshop!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAGSALITA na ang Security Exchange Commission (SEC) na nagbabawal sa Cellpawnshop na mangalap ng mga investors at tumanggap ng mga investments.

Mariin ang babala ng tanggapan ni Atty. Hubert Guevarra, Director ng Compliance & Enforcement department ng SEC na hindi otorisado ang Cellpawnshop na tumanggap at magnegosyo ng usaping investments.

Matatandaan ang reklamo ng mga dating investors ng Cellpawnshop na nagtiwalang mamuhunan at maglagay ng malaking halaga sa Cellpawnshop subalit sa huli ay wala din naman silang napala at nakuha.

Nahirapan pa ang mga investors  na ito na ipull-out na ang kanilang mga investments  dahil wala ng mailabas na pera ang Cellpawnshop.

Ang siste, matapos malaman ng pamunuan ng Cell­pawn­shop na BITAG ang nagbunyag ng kanilang kabu­lastugan dahil sa paglapit sa amin ng kanilang mga nabiktima, kaagad inaareglo ng Cellpawnshop ang mga ito.

Eto rin ang Cellpawnshop na nadiskubre ng BITAG na nagreremata ng mga sanlang cellphones nang wala pang 90 days. Batas na ipinatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas na sinusuway naman ng Cellpawnshop.

Ang sikreto pala, sinasanlang muli ng Cellpawnshop ang mga sanlang cellphones sa ibang sanglaan at sa   isang Casino Financier upang may maipambayad sa ka­nilang mga investors sa negosyo.

Dahil sa mga pangyayaring ito, ginawa ang pahayag na ito ng SEC upang magbigay babala sa Cellpawnshop na itigil ang panghihikayat ng mga investors na mamu­hunan sa kanila.

Kasabay ng pahayag na ito ay nagbibigay babala din ang BITAG sa mga kababayan nating kinukumbinsi, na­ lapitan na o naumpisahan nang bolahin ng Cellpawnshop na hindi oto­risado para sa ne­gosyo ng investment.

Maaari kayong magpun­ta sa tanggapan ni Dir. Hubert Guevarra ng SEC upang ma­bigyang linaw hinggil sa ka­song ito o tumawag sa BITAG sa mga numerong 9328919, 9325310 at text hotline 0928-9038238.

Patuloy na nakikipag-ug­na­yan at nakikipagtulungan ang BITAG sa mga may ka­pangyarihan katulad ng SEC at Bangko Sentral ng Pilipi­nas na siyang nakatutok sa mga reklamo laban sa Cellpawn­shop.

vuukle comment

BANGKO SENTRAL

CASINO FINANCIER

CELLPAWNSHOP

HUBERT GUEVARRA

SECURITY EXCHANGE COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with