^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mahalaga ang biyahe kaysa Cheaper Medicines Bill?

-

PATULOY na nakabitin sa alanganin ang pag­papasa ng Cheaper Medicines Bill. At mahirap paniwalaan kung ang panukalang batas na ito ay prayoridad ni President Arroyo. Kung totoong pra­yoridad, hindi na sana isinama sa biyahe niya ang mga kongresistang kaalyado niya para matutukan ang Cheaper Medicines Bill. Ang version ng Cheaper Medicines Bill sa Senado ay matagal nang naipasa. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Senado sa pagpapasa ng kanilang version sapag­kat nakikita marahil nila na kailangang-kailangan na ito ng mahi­ hirap na mamamayan — lalo ng mga maysakit.

Maraming mahihirap at maysakit na Pinoy ang umaangal dahil sa sobrang mahal ng gamot. Kara­niwang sakit ng mga Pinoy ang diabetes, hypertension, sakit sa puso at ang gamot sa mga sakit na ito ay ubod ng mahal. Inaagaw ng mahal na gamot ang pambili ng bigas at ulam ng mga mahi­hirap. At ang ilan, dahil sa kamahalan ng gamot, hindi na sila bumibili, nagtitiis na lamang sila sa payo ng albu­laryo na magtapal ng kung anu-anong dahon.

Nang ipanukala ng mga mambabatas ang Chea­per Medicines Bill, maraming mahihirap ang nabuha­yan ng pag-asa sapagkat ang ubod taas na presyo ng gamot ay babagsak na at makakabili na sila. Matitikman na rin nila ang gamot na abot-kaya.

Subalit lumipas ang isang taon ay nananatiling drowing ang Cheaper Medicines Bill. Walang maki­tang pagmamadali sa mga kongresista para agad na maipasa at nang mapakinabangan ng mama­mayan. Kung gaano kabilis ang mga senador sa pagpapasa ng kanilang version sa Cheaper Medicines Bill, usad-pagong naman ang mga kongre­sista. Iilan lamang sa mga kongresista ang nag­pupursige na maipasa ang batas at sila ay sina Reps. Antonio Alvarez ng Palawan, Rodolfo Albano Jr. ng Isabela at Deputy Minority Leader Neptali Gonzales.

Ang tatlo ay kabilang sa mga inimbitahan ng Ma­lacañang para sumama sa biyahe ni Mrs. Arroyo sa Europe pero tumanggi sila.

Kung sa halip na nagbiyahe ay iniukol na lamang ng mga kongresista ang pagpapasa sa Cheaper Medicines Bill e di sana’y may magandang nang­yari. Mas prayoridad ang biyahe kaysa murang gamot? Iyan ang nakikita.

ANTONIO ALVAREZ

BILL

CHEAPER MEDICINES BILL

DEPUTY MINORITY LEADER NEPTALI GONZALES

GAMOT

MEDICINES

MEDICINES BILL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with