^

PSN Opinyon

Dasal at aksyon para kay Marilou Ranario

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

SI Marilou Ranario, 35, taga-Surigao del Norte, graduate ng Education ay nangarap na maging titser upang kasabay ng paghahanapbuhay ay magabayan din niya sa paglaki ang kanyang dalawang anak na sina Raffy John, 13, at Roselle, 11.

Ninais niyang mabigyan ng maluwag na buhay ang kanyang pamilya kaya noong 2003 ay nag-abroad siya at nagtrabaho bilang DH sa Kuwait. Pero dahil minamaltrato umano siya ng kanyang among babae ay napatay niya ito noong Enero 2005.

Noong Setyembre 2005 ay idineklara ng mababang hukuman ng Kuwait na guilty siya sa kasong murder at hinatulan ng bitay.

Inapela ang kaso. Noong Pebrero 2007 ay kinatigan ng Kuwaiti Court of Appeals ang desisyon ng mababang hukuman. Idinulog ito sa Kuwaiti Court of Cassation (katumbas ng Korte Suprema ng Pilipinas) para sa final appeal, pero pinagtibay din nito ang naunang hatol. Batay umano sa sistema ng batas sa Kuwait, bibitayin si Marilou makalipas ang dalawa hanggang apat na buwan mula ngayon.

Pero may pag-asa pang maisalba ang buhay ni Marilou. Ito ay kung patatawarin siya at bibigyan ng   clemency ng Emir o pinuno ng Kuwait na si Sheikh Sabah al-Ahmad al-Sabah.

Sa buong panahon ng kaso ay grabeng hirap at pasakit pa umano ang dinanas ng pamilya ni Marilou, partikular ng kanyang 64-anyos na tatay na si Mang Rosario, sa pag-follow-up sa kaso at paghingi ng ayuda mula sa mga ahensya ng ating pamahalaan.

Ang aking anak na  si Senate president Jinggoy Estrada ay tumulong kay Mang Rosario at sa grupong Migrante International na ma­laman mula sa Department of Foreign Affairs ang tunay na kalagayan ni Marilou.

Marami pang ak­syon at panalangin   ang kailangan para mailigtas si Marilou. Kailangan ang apela sa Kuwaiti Emir. Nawa ay kumilos nang sapat at mabilis ang pama­ha­laan.

* * *

Para sa mga kaba­bayang naghahanap  ng serbisyo publiko, maari kayong lumiham sa opisina ng aking anak na si Senate Pre­sident Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estra­da sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.

Ipag­pa­umanhin ninyo at hindi matutu­gunan ang mga solicitation letter.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JINGGOY ESTRADA

KORTE SUPREMA

MANG ROSARIO

MARILOU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with