^

PSN Opinyon

Terorista ang nambomba dahil lang sa away-pulitika

SAPOL - Jarius Bondoc -

KUNG napanood n’yo ang action film na “V for Vendetta,” maaalala n’yo na inalala roon ang buhay ni Guy Fawkes. Si Fawkes ay Englishman na nu’ng Nob. 5, 1605, ay ti­nangkang pasabugin ang Parliament sa London. Nai­puslit ni Fawkes at ng mga kasapakat ang tone-toneladang pulbura sa ilalim ng gusali, kaso natiklo sila. Binansagang Gunpowder Plot ang pakana at, nang madakip, dumanas ng torture si Fawkes. Hindi niya itinugak ang mga kasapakat, at ngayon ay tinuturing siya bilang bayani ng ilan at terorista para sa iba. May tula, binibigkas ng mga batang English tuwing anibersaryo ng pagkakatiklo sa Gunpowder Plot, pinamagatang” Guy Fawkes Night”:  “Remember, remember the fifth of November/The gunpowder, treason and plot/I know of no reason/Why gunpowder treason/Should ever be forgot.”

Naalala ko ang istorya nang may sumabog sa Batasan nu’ng Martes nang gabi. Si Rep. Wahab Akbar, na namatay sa sugat, ang tinutukoy ng pulis na target ng bomba. Mara­mi siyang kaaway sa pulitika sa probinsiya. Marami ring sunda-long galit sa kanya sa hinalang kinukupkop niya ang mga kidnaper na Abu Sayyaf. Sila ang suspek ngayon ng pulis.

Hindi man sumabog ang Parliament, tinuturing ngayong Catholic jihadist si Fawkes. Galit siya sa mga Protestante. Kumbaga, extremist siya na walang pinagkaiba sa mga Islamist terrorists ng kasalukuyang panahon, tulad ng al-Qaeda at Jemaah Islamiya. Kung sino man ang nagpasa­bog sa Batasan — na ikinasawi ng dawala pang sibilyan at ikinasugat ng dalawang dosena — terorista din ang utak. Kaaway man siya sa pulitika o sundalong galit, gumawa siya ng bomba na napakalakas, at itinanim ito sa lugar na matao — parking lot sa gilid ng South Wing lobby ng Batasan, at pinasabog ito nang naglalabasan na ang mga congressmen mula sa session hall. Ang    pakay tiyak ng bomber ay hindi lang patayin si Akbar, kundi takutin din ang madla at guluhin ang kaayusan ng lipunan.

Ibibitay na lang si Fawkes nang tumalon siya mula sa entablado, una ulo, at nagpakamatay. Sana huwag maka­wala ang salarin sa Batasan.

ABU SAYYAF

BATASAN

BINANSAGANG GUNPOWDER PLOT

FAWKES

GUNPOWDER PLOT

GUY FAWKES

GUY FAWKES NIGHT

JEMAAH ISLAMIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with