Krisis sa likod ng init: Handa ba ang Pinas?
Muling haharap sa isang mabigat na pagsubok sa kalikasan ang Pilipinas ngayong nagbabala ang DOST-PAGASA at NDRRMC sa pagdating ng matinding “Super El Niño” na inaasahang tatagal mula Setyembre 2026 hanggang sa unang hati ng 2027.
Ayon sa mga ulat,aabot sa mahigit 45 na lalawigan ang makararanas ng kakulangan sa ulan na magdudulot ng malaking banta sa ating agrikultura, suplay ng pagkain, at reserba ng tubig.
Hindi na lamang ito simpleng init ng panahon; ito ay krisis na sumusubok sa katatagan ng ating bansa.Ang El Niño ay isang natural climate phenomenon kung saan mas umiinit kaysa karaniwan ang ibabaw ng dagat sa gitna at silangang bahagi ng equatorial Pacific Ocean.
Hindi lang ang Pilipinas ang apektado at makakaranas nito bagkus dama ito sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Kapag naging malakas ang El Niño at epekto nito, ginagamit na ang terminong “Super El Niño”.
Ang “Super El Niño” ay hindi simpleng “sobrang init”,isa itong napakalakas na pagbabago sa climate pattern na maaaring magdulot ng mas tuyong panahon, tagtuyot, kakulangan sa tubig, agricultural losses at iba pang epekto sa kabuhayan.
Karaniwang pinapataas ng naturang climate phenomenon ang posibilidad ng mas kaunting ulan,dry spells at tagtuyot sa maraming bahagi ng Pilipinas.
Isa sa pinakamalaking sektor na maaaring tamaan ng magaganap na “Super El Niño” ay ang agrikultura.Kapag kulang ang ulan at moisture sa lupa,maaaring ma-stress ang palay, mais at iba pang pananim.
Maaaring bumaba ang ani o maantala ang paglaki ng mga pananim sa mga lugar na umaasa sa ulan.
Kapag matagal na mababa ang ulan,maaaring bumaba ang tubig sa mga watershed, dam, ilog at iba pang pinagkukunan ng tubig.
Kapag bumaba ang water levels ng mga dam at iba pang pinagkukunan ng hydroelectric power,maaaring maapektuhan ang electricity generation.
Ang mas mainit na panahon ay maaaring magpataas ng paggamit ng air conditioner, electric fan at refrigeration, kaya maaaring tumaas ang demand sa kuryente.
Kaya naman ay muling binuhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang El Niño Task Force sa pamamagitan ng Executive Order No. 53.
Samantala, hindi naman ito nangangahulugang otomatikong magiging tuyo ang buong parte ng Pilipinas dahil maaari pa ring magkaroon ng malalakas na pag-ulan at pagbaha, lalo na sa western sections ng bansa kapag aktibo ang Habagat.
- Latest

















