^

PSN Opinyon

US$15-B sa dambuhalang tourism project ng PAGCOR

- Al G. Pedroche -

HINDI masamang gumastos ng dambuhalang halaga sa isang single projects kung ang returns o pakinabang naman nito ay  mas malaki at makatutulong sa pagpapa­sigla ng ekonomiya.

Sa wakas ay maitatayo na ang matagal nang nabalam na entertainment and leisure city  sa 40-ektaryang bahagi ng reclaimed area sa Manila Bay.  Layunin nito na humatak ng mga dayuhang turista sa bansa along with its multiplier effects like more quality jobs for Filipinos and millions upon millions of dollars in earnings that should propel our economy to greater heights.

Akala ko’y hindi matutuloy ito dahil PAGCOR ang may programa. Kapag narinig ang pangalang PAGCOR, inaakala ng iba na ang proyekto’y may kinalaman sa sugal which is not quite right in the case of this gargantuan project. Actually, ang bawat maunlad na bansa tulad ng Hongkong, Singapore at iba pa ay may gan­yang pasilidad. Binubuo ng mga first class hotels, amuse­ment parks na mala- Disneyland, museum, fine dining restaurants, shopping complex at iba pang sentrong komersyal.

Sa kanyang pagsasalita kamakailan sa 33rd Philip-  pine Business Conference na ginanap sa Manila Hotel, masayang ibinalita ni PAGCOR Chair Efraim Genuino na sisimulan na ang proyekto which is targeted for completion sa pagwawakas ng termino ni Presidente Arroyo sa 2010. What’s creative about this project is the fact that — mga local at foreign investors ang mamumuhunan para maitayo at walang magiging partisipasyon ang gobyerno sa pagpopondo. Ang maganda pa rito ay makapagbu­bukas ang programa ng mga trabahong de-kalidad  para sa mga kababayan nating Pilipino.

BINUBUO

BUSINESS CONFERENCE

CHAIR EFRAIM GENUINO

KAPAG

LAYUNIN

MANILA HOTEL

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with