^

PSN Opinyon

Togo Francisco at Aging Lisan me araw din kayo!

- Bening Batuigas -

IPINAGYAYABANG ng jue­teng lord na si Togo Fran­cisco na hindi siya mati­tinag sa puwesto sa Quezon City dahil naka­sandal siya sa FIRE­MAN na si Pabs Her­nan­dez. ’Kaw na naman? Wala na bang katapusan ’to? Si Aging Lisan naman ng Navotas ang binabang­git ay ang katoto ko na si Ray­­ mond Burgos. Si Aging Lisan kasi ay may kubransa rin sa Quezon City. Pero lu­mabas sa pananaliksik ko na ang fireman na si Pabs Hernandez ay kilala talaga ni Togo Francisco saman­talang si Burgos naman ay hindi kilala si Aging Lisan. Sa tingin ko naman ay hindi magtatagal ang pamama­yag­pag nitong sina Togo Fran­cisco at Aging Lisan dahil nag­deklara na ng all-out war si PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr. la­ban sa jueteng. At hindi pa­payag ang mga police offi­cials na may saklaw sa jue­teng nina Togo Fran­cisco at Aging Lisan na matigok sila ng “one-strike” policy ni Ra­zon kahit sino pa ang padrino nila, ’di ba Pabs Hernandez Sir? He-he-he! May araw din kayo Togo Francisco at Aging Lisan!

Pero kung nagtagum­pay ang pamunuan ni PRO1 director Chief Supt. Pol Bataoil sa kampanya niya laban sa jueteng, ta­liwas naman ang nangya­yari sa area ni PRO2 di­rector Chief Supt. Amito To­lentino. Isinisigaw kasi ng mga operator ng jueteng na sina Nora de Leon ng 1st district ng Isabela at Tony Ong ng 2nd district na si Tolentino mismo ang na­tional management ng jue­teng nila. ’Ika nga, si Tolen­tino ang tagabigay ng ling­guhang intelihensiya sa mga operating units ng PNP at DILG, GAB at iba pa. Me­ron din daw na one percent na kinokolekta sina Sr. Supt. Asuncion at Sgt. Pas­cual para naman daw ito sa media, lalo na ’yaong naka-base sa Camp Crame.

May balita akong P4 mil­yon ang kubransa araw-araw ng jueteng nina Tony Ong at Nora de Leon sa pro­binsiya ni jueteng cru­sader Gov. Grace Padaca kaya maliwanag na malaki ang kinikita ng tropa ni To­lentino, di ba mga suki? Cru­sader daw laban sa jue­teng si Padaca eh mali­wanag na nakain na siya ng sistema. Bakit tahimik ka sa jueteng sa lugar mo Ma’m Padaca? Bulag, pipi at bingi ka na ba kapag jueteng ang pag-uusapan?

Maging sa Cagayan, ang jueteng operator na si Danny Soriano ay si Tolen­tino rin ang itinuturong nasa likod ng operation  niya. Si Soriano ay kapatid ni Dir. Jeff Soriano, ang hepe naman ng directorate for investi­gation and detec­tive ma­nage­ment (DIDM) ng PNP. He-he-he! Kaya ka­yang supilin ni Tolentino ang jue­teng  ni Danny Soriano eh mas mataas ang ranggo ng ka­patid na si Soriano sa kanya?

Sa Nueva Vizcaya naman, hindi na rin umiimik ang jueteng crusader din na si Bishop Ramon Villena sa negosyo ni Tony Ong din. Siyempre, ang Nueva Viz­caya ay sakop din ng na­tional management ni Tolentino, he-he-he! Paano kaya susupilin ni Razon ang jueteng sa sakop ng class­mate niya na si Tolentino?

Kung nagyabang si Ba­taoil na nasupil niya ang jue­teng, tingnan natin. Abangan!

vuukle comment

AGING LISAN

CITY

JUETENG

PLACE

SHY

TOGO FRAN

TOLENTINO

TONY ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with