^

PSN Opinyon

Hataw sa kalabaw, latay sa kabayo

- Al G. Pedroche -

MUKHANG ang tunay na puntirya ni Atty. Roel Pulido sa kanyang impeachment complaint laban kay Presidente Arroyo ay si House Speaker Jose de Venecia. Naunang nagharap ng reklamong breach of ethics si Pulido laban kay JDV dahil nagtangka daw gumamit ng impluwensya para makuha ng kanyang anak na si Joey ang kontrata sa pagtatayo ng national broadband network. Nang makita niyang walang kahihinatnan ang reklamo,  sa Ombudsman na siya nagharap ng graft charges laban kay JDV at anak nito.

Sa impeachment complaint ni Pulido, lumilitaw na si JDV ang ipinagdidiinan at isinasabit lang ng bahagya ang Pangulo. Kung matutuloy ang proceedings base sa rekla­mo ni Pulido, di maiiwasang makaladkad ang pangalan ni JDV. Baka siya pa ang lumabas na may malaking culpability at hindi ang Pangulo.

Two birds with one stone kapag nagkataon. Magiging mahina ang kaso laban sa Pangulo at madidismis at madidiin sa kasong graft si JDV. Balita ko, rumesbak na si JDV at nagharap na rin ng reklamo  sa Integrated Bar of the Philippines para ma-disbar si Pulido.Todo-deny naman ang Malacañang na kagagawan nito ang “moro-moro impeachment.” Samantala, ang deputy secretary general ng KAMPI na si Francis Ver ay sinibak umano ni DILG Sec. Ronaldo Puno matapos ipagdiinan ni Anakpawis Rep. Cris­ pin Beltran na inalok siya nito ng P2 milyon para i-endorso ang impeachment complaint ni Pulido.

Pumapangit ang paningin sa atin ng daigdig. Pulos na lang “bribery” ang mga balitang nagsusulputan na kina­sasangkutan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno. Nasasaktan tayo sa mga kumakalat na panlalait sa mga Pinoy ng mga dayuhan. Bago tayo respetuhin ng da­igdig, dapat ipakita ng mga namumuno sa pama­halaan na sila mismo ay kagalang-galang at mapag­kakati­walaan. Kapag ang impres­yon ng mga dayuhan sa mga leader ng bansa ay “magnanakaw”  tayong mga mamamayan ay nadada­may. “Magnanakaw” din tayo sa kanilang paningin. Unfair but that’s the way it is.

vuukle comment

ANAKPAWIS REP

FRANCIS VER

HOUSE SPEAKER JOSE

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

PANGULO

PRESIDENTE ARROYO

PULIDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with