^

PSN Opinyon

Barangay election, ituloy!

ORA MISMO! - Butch M. Quejada -

HUWAG na dapat politikahin ang isyu sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oct. 29 porke marami pang arte ang gobierno dahil gusto nilang ipa-postponed ang eleksyon at gawin sa August 2008 kasabay ng ARMM election.

Naku ha!

Isinusuka ng madlang people ang kanilang mga palpak na barangay na kanilang kinabubuwisitan.

Sangkatutak din kasi ang mga burongoy na kurap, patong sa mga sugalan, addict echetera.

Sabi nga, name it meron sila. Hehehe !

May salapi ang gobierno para gugulin sa Barangay at SK election kaya huwag na sana natin itong gawin kenkoy.

Kahit na ano pa ang gawin ng gobierno nakakasiguro ang mga kuwago ng ORA MISMO, na lagapak ito sa Senado.

Ika nga, Mabuhay ang mga Senador na kontra sa nasabing eleksyon!

PNP Traffic Management Group, read this!

MATAPOS malagay sa kanin este mali alanganin ang buhay ni Robert Ramoso porke palpak ang LTO at TMG regarding sa kotseng nabili nito in good faith ay magsasampa na siya ng kaso laban sa mga kamoteng gumago sa kanya sa Office of the Ombusman maybe next week.

Crying baby  si Robert ng magsumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa takot na mapatay siya ng mga taong bumili ng kotseng nabili nito sa Cebu City kamakailan.

Ang kuento ni Robert ay natalakay na ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Thursday kaya hindi na natin ire-reply ang nangyaring sa ating bida.

Basta ang nangyari sa pobreng alindahaw nalagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang life siempre kasama todits ang kanyang family.

Nakabili kasi ng tsikot si Robert from Cebu pero mabilis naman nalipat ito sa kanyang pangalan pero ang kalbaryo nito ay nag-umpisa ng ibenta niya ang kotseng VIOS with plate number YEE - 641 sa buyer.

Nagkaproblema ng malaki si Robert at hindi makatulog sa takot na resbakan siya ng buyer na sangkatutak ang tropa kung hanapin siya sa house niya dyan sa Makati City.

Ginago kasi si Robert ng TMG kaya galit na galit ito todits lahat ng papeles ay dinala niya sa PNP-TMG headquarters sa Crame matapos itong bigyan ng clearance ng LTO pero ang nangyari ang tsikot na sinasabi ng mga kuwago ng mga ORA MISMO, ay double registration daw!

Naku ha!

May mga lespu na nagpaparinig sa ating bida na ayusin na lamang ang kaso para huwag na siyang mapahiya sa public.

Si Robert, kasi ay isang buy and sell ng tsikot bukod sa negosyong car airconditioning.

Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Thursday lunch si LTO Chief Rey Berroya at naikuento ko sa kanya ang problem ni Robert hindi lang sa TMG kundi maging sa LTO.

Ang sabi ni Rey sa Chief Kuwago paiimbestigahan niya ang kagaguhan.

Sabi ni Rey, ang LTO ay computerized nationwide kaya kung anuman depekto meron ang isang sasakyan kahit na ito ay nasa liblib ng Pinas tiyak mabubuko.

Iba si Rey, ayaw niya ng may mga kamoteng gumagawa ng mga kagaguhan sa mga maliliit na people tulad ni Robert.

Lahat ng pangangalkal ay ginawa kay Robert sa TMG kaya ngayon nakakatiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na malalagay sila ngayon sa hot water oras na mag-file ng complain sa Ombudsman ang pobreng alindahaw.

Ngayon may proyekto si Berroya sa kanyang office.

Sabi nga, nationwide!

 Papalitan ng LTO ang lahat ng plaka ng mga sasakyan para masiguro na matatapos na ang mga kagaguhan ng mga sindikato.

Lahat ng plaka ay papalitan ng bago ni Berroya siempre kasama na todits ang revenue collection ng gobierno.

Ika nga, malaking halaga ang papasok sa kaban ng bayan!

 Maiiwasan pa ngayon ang mga kagaguhan ng mga kriminal porke mabubuko na ang kambal plaka at mga gawain ng mga kamote.

Sana ipatupad agad ang project.

‘Matuloy kaya ang magandang proyekto ni Berroya ?’ tanong ng kuwagong sipsip.

‘Marami kasing paraan ang mga gagong autoridad para tirahin ang mga katulad ni Robert’

“Isa todits ang insurance scam‘

 ‘Ano ang ibig mong sabihin ?’

 ‘Next issue na kamote kapos ang kolum ng Chief Kuwago’

‘Ganuon o sige abangan namin’

BERROYA

CHIEF KUWAGO

PLACE

ROBERT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with