^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paghahangad sa ‘kikbak’ ang ugat

-

DALAWA na ang nagtuturo kay Comelec chairman Benjamin Abalos na nag-offer ito ng pera para sa kontrobersiyal na deal ng gobyerno sa Zhong Xing Telecommunication Equipment Corp. (ZTE). Una si Joey de Venecia III at ikalawa si dating NEDA chairman at ngayon CHED chief Romulo Neri At kahit na harap-harapang sinabi ni Neri na inope­ran siya ng P200 milyon para aprubahan ang ZTE contract, mariin namang itinanggi ito ni Abalos. Wala raw katotohanan ang lahat. Binaligtad pa ni Abalos si Neri at sinabing ito ang nagbroker kay Joey de Venecia para makasali ang Amsterdam Holding Inc. sa bidding ng national broadband network (NBN).

Walang gatol sa pagsasalita si Neri habang sumasagot sa mga katanungan ng Senate Blue Ribbon Committee. Relax na relax si Neri at dinetalye ang mga pagkikita at pag-uusap nila ni Abalos hang­gang sa alukin siya ng pera para maaprubahan ang kontrata. Nagulat daw si Neri sapagkat iyon ang unang pagkakataon na may nag-alok ng ganoon kalaking halaga. “Sec meron kang 200 dito.” Iyan daw ang sinabi ni Abalos kay Neri. Bagamat hindi naman sinabi kung magkano talaga, ipinalagay na iyon ay P200 milyon.

Malalaking “kikbak” ang pinag-uusapan dito. Mil­yong dolar at milyong piso. At si Abalos ang walang ibang itinuturo na magbibigay ng suhol para lamang maaprubahan ang ZTE contract.

Unang sinabi ni Joey de Venecia na $10 milyong dolar ang sinusuhol sa kanya ni Abalos para lamamg umatras sa bidding ng national broadband network. Ang laki ng suhol na ito. At kung malaki ang alok na suhol para lamang huwag nang makisali sa NBN project, gaano kalaki ang makokomisyon ni Abalos dito kung totoo ngang siya ang nagbroker. Whew! Nakalulula marahil ang figure. Ang halaga ng NBN project na nakopo ng ZTE ay $330 milyon (o P16 bilyon sa Philippine money.)

Sinabi raw naman agad ni Neri kay President Arroyo ang tangkang panunuhol ni Abalos at ang sabi raw ni Mrs. Arroyo ay  “huwag mong tanggapin.”

Sa ganitong takbo ng usapan, tanging “malala­king kikbak” ang ugat kung kaya madaling naapru­bahan ang proyekto at nawalan na ng transparency. Makontrobersiyang masyado ang deal sapagkat sangkot si Abalos na ang trabaho ay sa Commission on Elections. Maraming nasisilip sa kanyang “baho”.

ABALOS

AMSTERDAM HOLDING INC

BENJAMIN ABALOS

MRS. ARROYO

NERI

PARA

PRESIDENT ARROYO

ROMULO NERI AT

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with