^

PSN Opinyon

Isabela Gov. Padaca, alam mo bang may jueteng sa probinsiya mo?

- Bening Batuigas -

ILANG ulit ko ba dapat ibando na hanggang press release lang ang pagmamayabang ni Isabel Gov. Padaca na ipasasara niya ang jueteng sa kanyang probinsiya. Kasi nga sa ngayon mga suki, laganap na ang jueteng sa Isabela at mukhang si Padaca na lang ang hindi nakaaalam. Ba’t kaya hindi subukan ni Padaca na kausa­pin ang kapatid niya na palaging nakakausap ang jueteng lord na si Tony Ong? Kung kinakanlong ni Padaca ang kapatid niya, aba parehas sila ng sistema ni Gen. Jeff Soriano, ng DIDM ng PNP, na kinakanlong din ang kapatid na si Danny Soriano, ang jueteng operator ng Cagayan, di ba mga suki? He-he-he! Sa panahon ngayon ng high-tech communication, eh bola-bola kamatis pa rin kaya ang sistema ni Padaca kung jueteng ang pag-uusapan? Para sa kaalaman ni Padaca, ang local management ng jueteng ni Tony Ong sa 1st district ng Isabela ay sina Mayor Cesar Dy ng Cauayan at kapatid na si Mayor Pol Dy ng Alicia, na nagmamalaki na ang kontak niya para sa intelihensiya sa mga editors ay ang isang reporter na naka-base sa Camp Crame. Ang national management naman ay itong sina S/Supt. Asuncion at Sgt. Pol Pascual, alam n’yo ba ’yan. Gov. Padaca at Chief Supt. Amito Tolentino, PRO2 director at bayaw ni Sen. Johnny Enrile?

Sa 2nd district naman ng Isabela na ang sakop ay mga bayan ng Aurora, San Manuel, Roxas, Mallig, Quezon, Burgos, Quirino, Gammu, Naguilan, Benito Soliven at San Mariano at ang bangka ay si Nora de Leon, ang front ni Art Atayde, na pinsan ng asawa ni Batangas Gov. Vilma Santos na si Ralph Recto. Ang management ni Nora de Leon ay sina Col. Asuncion din at Pascual. Di mo alam tiyak ’yan Gov. Padaca Ma’m. He-he-he! Kung hindi alam ni Padaca na may jueteng na sa kanyang probinsiya, sino kaya ang may alam ha Gen. Tolentino Sir? Ano kaya ang kasunod na press release ni Padaca ukol sa jueteng? Tiyak katahimikan na, di ba mga suki?

At hindi lang pala sa Isabela namumugad ang jueteng ni Tony Ong, dahil maging sa Nueva Viscaya, eh siya rin ang itinuturong kapitalista, Gen. Tolentino Sir. At tulad ni Gov. Padaca, tiyak hindi rin alam nina Nueva Viscaya Gov. Banti Cuaresma at Vice Gov. Jing Gambito na may jueteng ni Tony Ong sa lugar nila,  he-he-he! Mga bulag, pipi at bingi na pala ang mga local officials pagdating sa jueteng, no mga suki?

Itong si Vice Gov. Gambito pala ang mismong local management ng jueteng ni Tony Ong sa Nueva Viscaya, kasama si ret. Col. Abellon na dating taga-Task Force Anti-Gambling (TFAG). Gaya ng Isabela, ang national  management ng jueteng sa Nueva Viscaya ay sina Col. Asuncion at Pascual din. Aba mukhang nakopo ng mga bataan ni Tolentino ang jueteng sa area niya ah di ba mga suki? Pabaon ba ang tawag diyan, Gen. Tolentino? Porke kamag-anak ni Enrile si Tolentino, eh wala nang pinagkakaabalahan ang mga opisyales ng pulisya sa PRO2 kundi, jueteng. Ano ba ang mga pulis na itinalaga ni Interior Sec. Ronnie Puno sa PRO2 at panay alila sila ng mga jueteng lords. Abangan!

vuukle comment

ASUNCION

GOV

ISABELA

JUETENG

NUEVA VISCAYA

PADACA

TONY ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with