^

PSN Opinyon

Kulang sa paghigugma sa nasud

SAKSAK SINAGOL - Lucky Malicay -

MAY katwirang magalit si re-elected Pasay City Mayor Peewee Trinidad kay William Sy, ang may-ari ng Miss Universal nightclub na matatagpuan sa kanto ng F.B. Harisson at Libertad. Tumaya pala si Sy sa kalaban ni Trinidad na si Rep. Connie Dy noong nakaraang May 14 election. Ang buong akala ni Sy ay laos na si Trinidad kaya’t bumaligtad siya. Subalit nagsalita na ang mamamayan ng Pasay City at binigyan pa nila ng isang mandate si Trinidad. At sa pagkapanalo at pagproklama kay Trinidad ng Comelec, aba abot langit ang nerbiyos sa ngayon ni Sy. Lalo na nang ma-interbyu sa Bandila news program si Trinidad at nangakong ipasasara niya ang Miss Universal na halos 50 metro lang ang layo sa City Hall at sa police headquarters. Kasi mga suki, habang bukas ang Miss Universal, ang napapahiya ay si Trinidad, City Hall officials at ang kapulisan. He-he-he!

Mag-uumpisa na si Trinidad na baguhin ang taguri sa Sin City sa siyudad niya. Napatunayan ni Trinidad na ang ‘‘bata’’ ni acting Mayor na si Allan Panaligan na si Jojo ‘‘Baba’’ ang linya ni Dy kay Sy. Nakababad kasi si Jojo Baba sa Miss Universal. Itong si Jojo Baba rin ang humingi ng tulong kay Sy noong pinagpapalo ng mga pulis SPD ang mga supporters ni Trinidad noong kasagsagan ng kilos protesta nang siya ay suspendihin sa kaso ng basura. Hindi ba itong Miss Univer-sal ni Sy ang ilang establisimiyento na nagbigay ng pagkain sa mga pulis? Dahil busog nga ang mga pulis, aba malakas silang pumalo ng yantok sa mga supporters ni Trinidad at marami nga ang nasugatan. Hindi nagsisinungaling ang mga kuha ng TV footages Mayor Trinidad Sir? He-he-he! Lintek lang ang walang ganti, di ba Mayor Trinidad?

Kaya’t sa pag-upo na muli ni Trinidad sa trono ng siyu­dad sa Hulyo 1, siguraduhin lang niya na magwawakas na ang talamak na bentahan ng dangal ng kababaihan sa Miss Universal ni Sy. Huwag nang makinig si Trinidad sa mga paliwanag ng mga alipores niya na nakausap ni Sy para tuluy-tuloy na ang pagbabago sa Pasay City nga. Tingnan natin kung may isang salita si Mayor Trinidad. Wala nang atrasan pa, ipasara na ang Miss Universal! Abangan!

vuukle comment

ALLAN PANALIGAN

CITY HALL

CONNIE DY

JOJO BABA

MAYOR TRINIDAD

MISS UNIVERSAL

PASAY CITY

SY

TRINIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with