10 ka inihaw'ng kanding gisakmit
HABANG nag-uubusan ng kayamanan ang mga senatoriable sa 10th to 15th place, sa Kongreso ay naghahanda na silang wakasan ang termino ng mga nakaupo at salubungin ang mga nanalo. Sa mga lalawigan, lungsod at bayan na hindi napalitan ang gobernador at mayor, business as usual. Ang masaya ay kung saan may turn-over sa kontra partido. Mga lugar gaya halimbawa ng Nueva Ecija (Joson to Umali) o Muntinlupa (Fresnedi to San Pedro).
Dahil sa June 30 pa susumpa ang mga bagong halal, may natitira pang mga isang buwan at kalahati sa ter-mino ng mga papalitan. Tradisyon na sa “homestretch” na ito’y wala nang gawing kontrobersyal ang mga pata-pos na, lalo na ‘yung mga natalo. Dapat bantayan ang pag-appoint ng bagong empleyado’t opisyal o ang pagpasok sa bagong kontrata. Ang pag-reject sa mga natalo ay mensahe na hindi na sila OK sa kanilang pinaglilingkuran. Kaya’t wala na silang K, ika nga, na pumapel pa. Gawin na lang ng mabuti ang tungkulin at mapayapang i-“turnover” ang pamunuan sa mga bagong pinagkatiwalaan.
Ang Kongreso ay hindi rin naiiba sa ganito (sa ingles ay LAME DUCK, galing sa imahe ng pato na hindi makalakad). Subalit pagmasdan natin sa pagbukas muli ng sesyon sa June 4 (hanggang June 8) at siguradong maraming nakabinbin na batas ang pakya wang ipapasa ng outgoing na senador at congressman. Hindi na nila ito mapananagutan sa tao kaya’t dapat ding bantayang mabuti.
Behind closed doors ay nagmi-meeting na ang mga nagkakatunggaling paksyon hindi lamang sa Kongreso kundi pati rin sa mga Sanggunian para pag-usapan ang kanilang bagong organisasyon. Sino ang magiging Speaker, Pro-tempore, Majority Leader, Appropriations Chairman atbp. Very exciting ang mga panahong ito para sa ating mga bagong halal. Umaalingasaw ang proseso sa amoy ng pansariling interes, subalit bahagi talaga ito ng bagong mundong pinasukan.
Nagpurga na ang bayan ng kanilang sinasaloob. Bunuin na natin hanggang matapos bago bumalik sa busi ness as usual.
- Latest
- Trending