^

PSN Opinyon

Pulis na mismo ang nanggugulo

SAPOL - Jarius Bondoc -
IBINIBINTANG sa Comelec ang barilan ng pulis kontra pulis sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija. Nagtalaga raw kasi ito ng mga hindi magkakakilalang pulis bilang security escorts nina Cong. Rodolfo Antonino at ex-mayor Antonio Esquivel. Kaya nang magkasagian ang regional mobile group ni Antonino at provincial patrol unit ni Esquivel, putukan agad — na ikinasawi ng isang kandidato pagka-konsehal at isang pulis, at pagkasugat ng 12 pa, kabilang ang dalawang kandidatong anak ni Esquivel.

Sa totoo, magkapartido dati sina Antonino at Esquivel. Iba ang ugali ng politiko: Padamihan ng baril. Kapag malimit ang gulo sa pulitika, takot ang madla. Sa Nueva Ecija hindi nag-uusap ng pulitika sa publiko; baka kasi may makarining na kalaban, magkasakitan agad. Walang malaking factory o shopping mall sa probinsiya. Laganap lang ay gun-for-hire.

Sandali pa lang sila nagse-secure ng mga politiko, tila nahawa na ang police escorts sa ugali. Hindi naka-uniporme, may kasamang armadong goons, hindi sumusunod sa rules of engagement — basta nagbakbakan na lang nang magkasalubong sa daan. ‘Yan ang hirap kapag pulis na mismo ang nagsisimula ng gulo. Natatakot lalo ang mamamayan na bumoto nang tama — kung boboto pa sila.

At pinag-uusapan na rin lang ang bayolenteng pulis, bakit nakatigil ang kaso ni Sr. Insp. Michael Sanchez ng Quezon City mobile division, na bumaril-patay sa magkapatid na Froilan at Arnold Jimeno sa kainitan ng away-traffic nu’ng Pasko 2005? Pati ang pangatlong kapatid na Ferdinand na nagtakbo sa dalawang naghihingalo ay inatake at pumanaw din noon.

Pangako ni noo’y QC police chief Sr. Supt. Nicasio Radovan na agad didisarmahan si Sanchez, kakasuhang tama, at idadaan sa buong puwersa ng batas. Aba, angal ng bayaw ni Froilan na si Norman Pagdayunan, armado at nasa serbisyo pa si Sanchez, pinahina sa homicide ang kasong multiple murder, at ni hindi nililitis ang kaso. Bakit gan’un?
* * *
Abangan: Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:45 p.m., sa IBC-13.

vuukle comment

ANTONINO

ANTONIO ESQUIVEL

ARNOLD JIMENO

ESQUIVEL

FROILAN

LINAWIN NATIN

MICHAEL SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with