^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat lamang managot si Ducat

-
BAYANI ang turing kay Armando "Jun" Ducat kahit na nang-hostage siya ng mga bata sa loob ng bus noong Miyerkules ng umaga habang patungo sa isang field trip. Sabi ng mga magulang ng batang hinostage, isang bayani ang turing nila kay Ducat at hindi sila magsasampa ng kaso laban dito. Mabuting tao raw si Ducat. Isa itong respetadong engineer at businessman. Ang dahilan ng kanyang pangho-hostage, bigyan ng libreng pa bahay at edukasyon ang may 145 mga bata na nasa ilalim ng kanyang day care center sa Tondo, Manila.

Sampung oras na hinostage ni Ducat at kasamang lalaki na nagngangalang Cesar Augustus Carbonell ang 26 na bata at dalawang guro. Baril at dalawang granada ang armas nina Ducat.

Kahit pa bayani ang ituring kay Ducat ng mga magulang ng batang kanyang hinostage, mananagot pa rin siya sa batas. Hindi kayang baliin ang batas lalo pa at pinaghandaan ni Ducat ang kan-yang ginawang hostage-drama. Nag-imbak siya ng pagkain para sa dalawang araw. Kakaiba ang ginawang estilo ni Ducat na ang mga batang walang muwang ang kanyang ginamit. Mismong mga bata na nasa kanyang pangangalaga ang kanyang ginawang dahilan para maiparinig sa gobyerno ang kanyang kahilingan.

Paano kung nagkaroon ng aberya sa hostage drama na naging dahilan para magpaputok ang mga pulis? Paano kung nabitiwan niya ang hawak na Granada at nakalabit ang UZI submachinegun? Tiyak na masasakripisyo ang buhay ng mga bata dahil sa estilo ni Ducat.

Ang pangho-hostage ay naging bahagi na ng buhay ni Ducat. Noon ay nag-hostage na rin siya sa isang simbahan sa Blumentritt nang hindi siya bayaran sa kanyang nakontratang paggawa ng gusali. Naging kontrobersiyal na rin siya nang umakyat siya sa tore ng Welcome Rotonda, Quezon City para hilinging huwag iboto ang isang kandidato. Pero sa lahat, ang pangho-hostage niya sa may 26 na bata at apat na guro ay kakaiba.

Kung wala siyang masamang balak nang ihostage ang mga bata, hindi siya dapat nagdala ng baril at granada. Kung ang gusto niya ay marinig ng buong mundo, dapat ginawa niya ito sa paraang mapayapa at walang pananakot na armas. Masamang halimbawa ang kanyang ginawa sapagkat maaari siyang gayahin ng ibang sira ang ulo.

Maraming kasong kinakaharap si Ducat at ang mabigat ay ang pagdadala niya ng baril. Dapat lamang ito kay Ducat.

BATA

CESAR AUGUSTUS CARBONELL

DUCAT

HOSTAGE

KANYANG

PAANO

QUEZON CITY

SIYA

WELCOME ROTONDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with